Kanser Series

Ang Pagkanta Ng Tadhana

KANSER Series: Part 3

 

Nung tumigil ang ferris wheel, nawalan na ng pag-asa si Apollo na magiging maayos pa ang araw niya.

Ewan ba niya, ang saya saya naman ng gising niya kaninang umaga kasi birthday cake ang bumungad sa kanya. Tapos may handa pang lasagna, kasi all-time favorite niya rin yun. Nang matapos ang konting salo-salo, napag-tripan niyang mag-celebrate ng birthday niya na mag-isa sa MOA.

Marami naman siyang kaibigan pero ngayong debut niya, gusto niya na munang maging mapag-isa. Siguro medyo napagod lang siya sa dami ng tao kasi kakatapos lang ng concert ng Coldplay nung isang araw. Buti na nga lang at nasa Patron siya kaya mas kita niya ang Coldplay.

Kaso wrong move atang dito pa sa MOA siya pumunta kasi medyo maraming tao ngayon dito. Pero kung sabagay, kelan nga ba nawalan ng tao dito?

Pero okay lang. Marami pa din naman siyang nagawa: ang paglalaro sa mga arcades mag-isa, pag-kain sa restaurant ng mag isa, panonood ng movie mag-isa, at paglalakad mag-isa.

Forever alone na nga ba ako? isip-isip niya. Naks. Nag-drama pa.

Natawa na lang siya sa mga naiisip niya. Maya-maya pa’y nakita niya yung malaking Ferris Wheel sa tabi ng Giligans sa MOA kaya napag-tripan niyang pumunta dito. Kakain na muna dapat si Apollo kaso maraming bumibili kaya dumiretso na lang siya sa ticketing booth ng ferris wheel.

Sa totoo lang may takot siya sa heights pero may kung anong sumapi sa kanya para masubukang sakyan ang Ferris wheel kahit na may takot dito. Himala nga at kakaunti lang ang nakapila dito kahit alas-singko na ng hapon. Siguro mas gusto nilang sa susunod na round na lang kasi dun na makikita yung magandang sunset sa Manila Bay.

Dahil na din sa takot ni Apollo, hindi na alintala sa kanya ang presensiya ng nag-iisang kasama niya sa loob ng bagon nila. Naka-focus lang siya sa magandang kalangitan at nakaantabay na lang siya sa pag-angat ng ferris wheel.

Medyo nakaka-adapt na nga siya sa bilis nito kaso nung nasa pinakatuktok na siya, bigla itong tumigil sa pag-ikot.

Kasabay ng pagtigil nito ay ang pagtigil ng buong katawan ni Apollo dahil sa takot. Hindi niya alam kung tatakbo ba siya, tatalon, o sisigaw na lang sa takot. Pakiramdam niya tuloy kahit anong oras pwede silang malaglag hanggang sa lupa.

Kumalma ka, Apollo, iikot lang ulit ito. Mabilis lang ito, isip-isip niya. Mga sampung minuto ang nakalipas nang biglang umandar ulit ang sinasakyan nila. Bago pa man siya kumalma, tumigil ulit ito.

Muntik na siyang magwala sa takot sa pwesto niya kagaya ng ibang mga taong sumigaw sa ibang bagon nang biglang may nagsalita sa tapat niya.

“Kuya, okay ka lang ba?” tanong ng babae sa tabi niya.

Napatingin naman siya sa babae at napansin niyang nakangiti ito kaya gumanti si Apollo ng isa ding ngiting parang natatae.

“Okay lang,” mahina niyang tugon.

“Namumutla ka na nga dyan tapos sasabihin mo pang okay ka. Ang galing mo naman,” sarkastiko niyang komento.

Kahit halatang-halata na sa mukha ni Apollo ang takot, nagawa niya pa ding ngumiti ng pilit habang sumasagot sa kanya ng, “Wala eh, takot kasi ako sa heights.”

“Hala! Eh bakit ka nandito?”

Tumingin muna ang namumutlang si Apollo sa labas bago ito magsalita. “I have this sudden urge to get out of my comfort zone.”

Napanganga naman ang kausap niya. Hindi nga lang niya alam kung dahil ba sa ginawa niya o dahil sa pag-iingles niya. Binalot tuloy sila ng katahimikan.

“I’m Rachel pala,” pagbabasag niya ng katahimikan.

“Apollo,” sabay abot niya ng kamay niya. Buti na lang inabot ni Rachel ang kamay niya kasi takot na nga siya, mapapahiya pa siya kung sinupladahan pa siya ng babae.

“Musta naman? Accomplished ba?” tanong ni Rachel.

“Ang alin?”

“Yung pag-overcome mo ng fear of heights,” sagot niya. Halata namang sarkastiko ang pagtatanong niya pero minabuti na lang niyang sumagot ng maayos kasi baka itapon pa siya ng babae sa bintana.

“Mukhang epic fail nga eh,” sagot niya.

“Huwag ka na lang tumingin sa labas, mas lalo kang matatakot eh. Mag-focus ka na lang sa mga bagay na hindi nakakatakot, saka na lang yung iba sa paligid. Take one step at a time.”

Tumingin naman ang lalaki kay Rachel at napansin niya ang pagiging kalmado nito. “Buti ka pa,” sabi ni Apollo. “Wala kang kinakatakutan.”

Tumawa naman ang babae at sumagot ito ng, “Nye. Lahat naman tayo may kinakatakutan ah.”

“Ano bang kinakatakutan mo?”

“Ang magmahal,” sagot ng babae na kumuha ng atensyon ni Apollo. Bago pa man umimik ang lalaki, nagsalita ulit si Rachel. “Charot. Creepy kayang dumaan sa street sa amin. Medyo madilim. Feeling ko anytime, may hahablot sayo dun.”

Tiningnan muna ni Apollo ang nagsalita bago ito tumingin sa labas kung saan kitang kita sa taas nila ang nagsisimulang pagbaba ng araw.

“Paano mo naman na-overcome yun? ‘Di ka na dun dumadaan?” tanong ni Apollo.

“Siyempre dumadaan pa din, no choice eh. Pero ang ginagawa ko na lang ay nagsusuot ako ng headset tapos nakikinig ako ng music.”

Napukaw naman ang atensyon ni Apollo sa sinabi ni Rachel kaya tumingin siya sa kausap niya.

“Talaga? Mahilig ka ba sa music?”

“Slight. Ikaw ba?”

“Sakto lang din,” sagot ng lalaki na nagpatawa ng konti kay Rachel.

“Eh ano namang nakakatawa dun?” tanong ni Apollo.

“Wala naman,” sagot ni Rachel habang may kinukuha siya sa bag niya. Habang inaantay ng lalaki na kuhanin ni Rachel ang kung ano man sa bag nito, tumingin muna siya sa labas para makita ang papalubog na araw. Maganda na sana kay Apollo ang view kaso may takot pa ding bumabagabag sa utak niya kaya hindi niya ito masyadong maappreciate.

“Sakto!” biglang sabi ng babae na kumuha ulit ng atensyon ni Apollo. Nakita niya ang hawak ni Rachel na isang pad ng paper at dalawang ballpen.

“Pang-elementary talaga yang papel mo?” pansin ni Apollo sa hawak ng babae.

“Wala akong ibang paper dito eh.”

“So anong trip mo dyan?”

Pumilas muna si Rachel ng tatlong pirasong papel at binigay niya ito kasabay ng ballpen kay Apollo bago niya sagutin ang tanong ng kausap niya.

“Ganito, since bored naman ako at feel ko mamaya pa tayo makakababa at feel ko takot na takot ka pa rin dyan, let’s play a game.”

Wala namang ibang maisip na pwedeng gawin si Apollo kaya sumang-ayon na lang siya dito. “Ano namang klaseng game yan? Ayoko ng may pustahan ha, wala na akong pera!”

“Baliw! Mayaman ako, hindi ko kelangan ng pera!” sagot ng babae.

“Ay wow. Sorry naman,” sagot ng lalaki sabay ayos ng upo. “Paano naman yung mechanics ng game?”

“Simple lang ang game. Isusulat lang natin sa isang pirasong papel ang top 3 na favorite nating banda. Dapat isang banda lang per page, para pwede nating ilagay sa baba nito yung reason kung bakit iyon yung nilagay. Tapos share mo na lang yung paborito mong kanta nila at yung tumatak na lyrics sayo. G?”

“Naks. Pinagisipan mo talaga ah. Game!” pagsang-ayon ni Apollo.

Mga halos trenta minutos silang nag isip ng mga ilalagay nila sa mga papel nila. Naunang matapos si Apollo kesa kay Rachel.

“So sinong mauuna sa atin?” tanong ni Apollo na saktong nakatapos na rin ng pagsusulat si Rachel.

“Jack-en-poy!” sagot ng babae. “Kung sinong mananalo, siya muna ang mauuna.”

Si Rachel ang nanalo sa kanilang jack-en-poy kaya pumorma naman ang lalaki para pakinggan ang unang sinulat nito. Iniharap niya ang papel niya at nagulat naman si Apollo kasi hindi familiar sa kanya yung banda. Akala niya kasi mga mainstream na banda ang ilalagay nito.

The Lumineers

“So, ang top 3 kong band ay ang The Lumineers,” pagmamayabang ni Rachel saka niya binaba ang papel.

“Sino sila?”

“Ay di mo sila knows?”

“Sorry naman. Hindi ako nerd sa music eh,” pag-amin ni Apollo.

“Joke lang. Expected ko naman na hindi mo sila kilala. Medyo underrated sila eh. Anyways, sila ay isang American folk rock band na nabuo last 2005.”

Natawa naman si Apollo sa sagot ng babae. “Wow. Wikipedia?”

“Mej. Anyways, kaya ko sinama sa top 3 ko ang The Lumineers kasi it offers me peace. Gustong-gusto ko pa yung mga lyrics. Hindi lang sila bastang pabebe kagaya ng mga normal na kanta ngayon, no offense.”

“So anong favorite mong kanta nila?”

Tumingin muna si Rachel sa labas bago niya ito sinagot. “Ho Hey yung favorite kong kanta nila,” sagot niya.

“Pang-christmas na kanta ba yun?” walang ka-ide ideyang tanong ng lalaki.

“What made you say that?”

“Ay English. Suko ako dyan.”

“Baliw. Hindi yan Christmas jingle. Mas mukha ngang pang-kasal yan eh. Pakinggan mo kaya,” sabi ni Rachel sabay abot niya ng kanyang iPhone.

“Naks. Naka iTunes. Burgis,” puna ng lalaki.

“I invest money in music eh. Lalo na yung mga worth it na music,” depensa ng kausap ni Apollo.

Pinakinggan naman ni Apollo ang kanta at natuwa naman siya sa pinapakinggan niya. Totoo nga ang sinabi ni Rachel na nakaka-relax ang kanta.

“Pinapakinggan ko yan sa tuwing stress ako,” biglang sabi ni Rachel. “Ewan ko ba, parang bittersweet yung dating kasi sa unang rinig mo, parang unrequited love. Pero para sa akin kasi, hindi tao yung sinasabi nila. Lugar yun. Kasi yung members niyan ay nagkita sa New York. Pero lumipat sa Denver para i-pursue yung dream nila. He talks about what could’ve been if nag-stay siya sa lugar nila. Ano nga kayang mangyayari sa kanila if hindi nila na-pursue yung dream nila?”

Napanganga naman si Apollo sa pagpapaliwanag ng babae sa kanya. Muntik na nga niyang ilagay sa papel niya kanina ang kantang Kabit eh para lang mang-asar. Buti na lang at iniba niya yun.

Nang maka-recover si Apollo, nagtanong ulit siya sa babae ng, “So anong connect niyan sayo?”

Saglit na nanahimik ang babae na parang humahanap ng sagot sa langit. Mga ilang minuto ang lumipas sa kanila nang tumingin ito sa lalaki at sumagot ng, “Naniniwala ka ba sa destiny?”

Saglit na tumingin si Apollo sa labas para hanapin kung saan nakuha ng babae ang tanong niya kasi hindi pa rin nawawala ang takot niya dito.

“Oo naman,” sagot niya.

“Kaya malaki ang impact sa akin ng kantang yan kasi napapaisip ako sa mga choices ko sa buhay tuwing maririnig ko ang kantang Ho Hey. What if hindi ko ginawa ito? What if pinuntahan ko ito? Siguro dahil sa kanta na yan, nareremind ako na lahat tayo may destiny. Sabi nga sa lyrics niyan, “I belong with you, you belong with me”. Para sa akin, yung ‘you’ dyan ay yung destiny mo. And I believe that lyrics. Kasi may nakalaan naman sayo, yun nga lang, choice mo na lang kung i-keclaim mo yun,” pagpapaliwanag ni Rachel.

Nagulat naman ang lalaki sa kausap niya kasi sadya palang malalim ito. Iimik na sana siya nang nagsalita ulit si Rachel.

“Oy, ikaw naman. Anong nilagay mo dyan? Explain!”

Pinakita naman niya kay Rachel ang nilagay niya.

Mayday Parade.

“Naks. You’re into rock band pala ha,” pansin ng babae. Binaba naman muna ni Apollo yung papel niya bago sumagot.

“Ay kilala mo sila?”

“Hindi hindi,” pambabara ng babae. “Hindi ba halata? Kainis!”

“Baliw!” pang-aasar ni Apollo habang tumatawa. Nang matapos siyang tumawa, nagsalita ulit ang lalaki.

“Isa sa mga gusto kong rock band ang Mayday Parade,” sabi ni Apollo. “Kaya ko nga sila nilagay dito kasi napaka-flexible ng pagkanta nila eh. From rock to punk/rock to alternative/rock. Though pare-parehas naman yang rock, I am still amazed sa mga kanta nila. Hindi kasi nawala yung identity nila kapag kumakanta. May mga band o artist kasi kapag nagpapalit ng genre, nawawala na din yung kanilang signature. Bago pa man umusbong ang ‘hugot’ era, isa sila sa mga nagbibigay ng teenage angst nun. Kaya since 2007 na debut album ng Mayday Parade, naging instant fan na agad ako.”

Kumunot naman ang noo ni Rachel na parang nagbibilang. “That was like, 10 years ago pa ah. Ikaw na ang loyal sa kanila. Ako nga, hanggang Umbrella ni Rihanna at Crank that ng Soulja Boy ang trip ko tapos ikaw, Mayday Parade agad. Ikaw na punk’s not dead!” pang-aasar ni Rachel.

“Siyempre. Saya kaya ng Punk!” sagot ni Apollo habang tumatawa. “Pero sa akin kasi, kaya ito ang Top 3 ko kasi malalim yung lyrics nila compared to other punk/rock etc. bands. Hindi bastang hugot lang. Hindi lang sila bastang nagrerebelde o sumisigaw. Mabilis man o mabagal yung kanta, hindi nawawalan ng meaning ang kanta ng Mayday Parade. Yun yung nagustuhan ko sa kanila.”

“So anong favorite mong kanta nila?”

Saglit na nag-isip si Apollo bago siya sumagot ng, “Oh Well Oh Well.

Saglit namang nanahimik si Rachel na parang may inaalala bago siya magsalita. “Hindi ako familiar dyan ah. Tungkol saan yang kantang yan?”

“Medyo clichè ng konti ang kwento niyan kasi tungkol yan sa boy meets girl. Tapos naging mag-on sila. Tapos nag-break. Tapos nag-move on.” Tumango tango naman si Rachel sa sinabi ni Apollo. Nang mapansin niya na wala itong sinabi, dinagdagan pa ng lalaki ang sagot niya. “Pero ang pinakagusto ko kasi dito ay yung progression nung kanta. Alam mong may kwento. Alam mong may character development. Rinig na rinig mo kasi yung pinagdaanan ng singer. Simula sa paghahabol niya hanggang sa pag-move on.”

“Parinig naman oh, cutie ng description mo eh.”

Pinahiram naman ni Apollo yung phone niya kay Rachel.

“Naks, naka Spotify. Burgis,” panggagaya ni Rachel sa pang-aasar kanina ni Apollo.

“Mas mahirap naman ako noh. Naka Spotify nga lang ako eh,” depensa ng lalaki. Tumahimik naman ang kausap niya kasi pinapakinggan niya yung kanta. Nakakunot naman ang noo nito na tila bawat linya ng kanta ay sinasaulo niya.

Inantay naman ni Apollo na tapusin ni Rachel ang kanta. At nang natapos siya, bigla itong nagtanong.

“So anong connect niyan sayo? On the stage of moving on ka ba?” pang-iintriga ni Rachel.

“Siyempre hindi naman. Kaya ko sinama yan kasi para sa akin, hindi talaga yan love song. Parang tungkol yan sa journey ng isang tao sa buhay. Tungkol yan sa mga dreams na inilathala sa atin ng tadhana. And may mga dreams na kung saan hindi natin natutupad kaya ang result, madadapa tayo at mahihirapang mangarap ulit. May mga panahon na kung saan hindi ka na lang mangangarap ulit kasi masakit. Pero opposite yung sinabi ng kanta. Pinarealize nito sa akin na kailangan kong maging matapang at mag-hold on sa pangarap. Sabi nga sa lyrics ng kanta nila, I’ll keep you warm, safe in my arms. Till heaven calls, keep holding on. Ang dating niyan sa akin ay papanatilihin niyang nag-aalab ang puso niya kahit nasa malamig siyang parte ng buhay niya at mangangarap ulit kasi dun naman talaga nag-uumpisa ang lahat.”

Tumingin naman ang babae sa nagsalita na parang tinamaan sa sinabi nito.

“I have a question,” sabi ng babae. “Masisisi mo ba yung mga ganung tao na kapag dumating sila sa punto ng buhay nila na kung saan hindi na sila mangarap kasi minsan na silang bumagsak?”

Napaisip naman si Apollo sa tanong nito sa kanya. “Siyempre hindi,” sagot niya pagkatapos niyang mag-isip. “Kaso minsan nakakalungkot kasi everyone’s capable of moving on but not everyone is capable of moving forward.”

“Pwede ba yun? Nakakapag-move on pero hindi nakaka-move forward?”

“Let me put it this way,” pagdadagdag ni Apollo. “Sabihin na lang natin na step by step yan. Step one sa buhay ang moving on. Next step yung moving forward. May mga tao kasi na nakakapag-move on pero hindi na ito nag move forward. Tumigil na lang siya kasi accepted na niya ang nangyari sa kanya. Hindi na siya nangarap na magpatuloy. Meron din naman na nakapag-move forward kaso hindi nag-move on. Ekis din yun kasi nag-go pa din siya kaso hindi niya accepted yung nangyari sa kanya. Dapat buy one take one yan para may sense of fulfillment sa buhay, just like the song. Accepted niya yung nangyari and nag move forward siya. Gets?”

Tumawa naman si Rachel sa sinabi ni Apollo sa kanya. “Gets. Ikaw na deep!” pang-aasar ng babae.

“Hephep. Next na nga! Mang-aasar ka pa talaga no?” sabi ni Apollo.

“Fine. Eto naman ang top 2 kong banda,” sabi ni Rachel sabay pakita ng papel niya.

OneRepublic.

“Naks. Teen Pop na genre ka naman ngayon?” pang-aasar ni Apollo.

“Akala ko ba hindi ka nerd sa music?” paalala ni Rachel.

Tumawa naman ang lalaki sa sinabi ni Rachel. “Ay tama ba ako? Hinulaan ko lang yun eh. Hula ko, Irish pop band sila.”

American band yun,” pagtatama ng babae. “And technically, they are pop/rock band. Medyo mas naging pop lang sila sa album na Native. Pero dun sa Night Visions naka Alternative/Rock sila.”

“Naks. Ikaw na ang may saulo ng discography nila.”

“Well sorry,” paumanhin ni Rachel na hindi sumasang-ayon sa boses niya. “I’ve been in their concert before kaya medyo hyped up pa din ako up until now.”

“Kelan?”

“Last 2013 lang. Sa Araneta Coliseum yun. Naka Patron VIP pa,” pagmamayabang ng babae.

“Yabang!” sabi ni Apollo habang tumatawa. “So anyway, ba’t sila yung Top 2 mo?”

“Natutuwa din ako sa flexibility ng band nila. Sila yung kumakanta na alam mong may pinaglalaban. And siyempre yung mga songs, walang patapon. Well-defined lahat eh. Malalim pa lyrics, saan ka pa?”

“Gaya-gaya ka ng reason,” puna ni Apollo.

“No seriously!” depensa ng babae. “Mas madali akong ma-hook up sa mga kantang malalim ang lyrics.”

“Parehas talaga tayo no?” pagkukumpara ng lalaki. “Ewan ko ba kung anong trip ng generation ngayon. Mas gusto lang nila yung mga mabababaw na kanta. Gusto lang nila ng magagandang beats pero wala namang substance.”

“Grabe ka naman sa generation ngayon! Wag ka ngang mag-generalize,” pagwawasto ni Rachel sa lalaki.

“Fine, karamihan sa generation ngayon,” pagwawasto ni Apollo sa sinabi niya. “Sila yung mga taong ang trip na lang na mga kanta ay yung mga ‘easy-to-get’ na meaning. Yung typical hugot na lang. Yung typical na love song na wala nang mga double meaning. Makarinig lang ng mga kantang malulungkot at nasasaktan, sasabihin agad nila, deep. Sad to say, hindi lahat ng madrama ay malalim. Hindi naman din lahat ng malalim ay madrama.”

Tumingin naman si Rachel kay Apollo na parang nahihiwagahan. “So ang gusto mo sa mga kanta ay yung deep. One question: Bakit?”

Ngumiti muna si Apollo bago sumagot ng, “Sa akin ha, kapag pinapakinggan ko yung mga malalim na kanta, it gives me fulfillment. Punong-puno ako kasi alam kong may natutunan ako kasi alam kong nag-grow ako the moment na marinig ko yung kanta. Ayoko nung mga kantang bibigyan ka lang ng pakiramdam. Dapat may wisdom din na maibibigay.”

“Ay naks! Ikaw na ang may sense of fulfillment!” komento ni Rachel. “Tama naman, yun naman talaga ang dapat sa kanta. Dapat hindi mo lang mararamdaman ang experience nung singer, dapat matututo ka din dun.”

“Kaya ba OneRepublic ang pinili mo?” biglang tanong ni Apollo.

“Siyempre! For example, kaya nilang makipagsabayan sa Imagine Dragons sa genre ng Alternative. And at the same time, kaya nilang makipagsabayan sa Maroon 5 sa genre ng Pop. I’m not saying na mas better ang One Republic sa mga nabanggit ko. Nagustuhan ko lang talaga yung identity nila,sagot ni Rachel.

“So hulaan ko, ang favorite mong kanta nila ay Secrets or Counting Stars no? Hindi lang yun bastang catchy ha, tungkol din yun sa pressure ng society kaya hindi yun bastang pabebe lang.”

Umiling naman si Rachel habang ngumingiti. “Mali ka dun,” sabi niya na may tono na parang inaasar si Apollo.

Palibhasa na-weirdohan ang lalaki sa inasta ng babae kaya nanahimik ito para maantay ang sagot ng babae.

I Lived,” biglang salita ni Rachel.

“Ha?”

“Tinatanong mo kung anong paborito kong kanta nila diba?” pag-papaalala ni Rachel.

Napatigil ng bahagya si Apollo na parang inaalala niya kung narinig na ba niya ang sinabing kanta ng babae. Yun nga lang, bigo siya sa pag-alaala dito.

“Hindi ako familiar sa kantang yun ah,” nasabi na lang ni Apollo. “Saang album yan?”

Pinakita naman ni Rachel ang nakalagay sa iPhone niya bago siya sumagot ng, “Nasa album yan ng Native.

“Weh? Kasama pala ng Counting Stars ang kantang yan?”

“Oo. Sad to say, yung isa sa pinaka-inspiring na kanta nila ay underrated.”

“I-define mo nga yang kantang yan para malaman ko kung papaano ka na-inspire!” utos ng lalaki.

“Uh…” sagot ng kausap niya na parang nag-iisip ng sagot sa nagtanong. “Yan yung 6th single na na-release last 2013. Teen Pop yung genre niyan. Tapos-”

“I mean,” pagtitigil ni Apollo sa pag-sasaulo ng babae ng discography ng kanta. “Tungkol saan yang kantang yan?”

Ngumiti muna ang kausap ni Apollo bago ito sumagot. “Sinulat kasi yan ng frontman ng banda ng OneRepublic para sa anak niya. Sinulat niya yan para ikuwento sa anak niya kung ano yung naging buhay ng artist sa mundong ginalawan niya.”

“Parinig nga!” sabi ni Apollo na parang natakam ang tenga sa kantang inilalarawan ni Rachel. Mga ilang minuto silang nanahimik para pakinggan ang kanta at namnamin ang mensahe sa kanila ng kanta ng OneRepublic.

Nagulat na lang si Apollo nang biglang nagsalita si Rachel. “Alam mo ba,” sabi niya. “Yan yung pinapakinggan ko kapag may mabigat akong problema sa buhay. Weirdo mang sabihin pero kapag napapakinggan ko yan, mas tumatapang akong lumaban sa buhay. Kaya siguro tamang-tama ako sa lyrics dyan na, ‘I owned every second that this world could give. I got so many places to the things that I did’. Na-realize ko lang na the main reason kung bakit mas maraming taong nag-eexist na lang sa buhay sa halip na nabubuhay fully kasi maraming takot masaktan. Buti pa yung artist, ang daming nagawa.”

Patuloy namang nanahimik ang lalaki sapagkat halata naman sa babae na may idadagdag pa ito.

“Dun ko na-realize yung power nung kantang yun,” pagdagdag niya. “Hindi yan tungkol sa love song, hindi yan tungkol sa away pamilya, at hindi din tungkol sa politika. It talks about life and how he lived the destiny that was given to him.”

“Big word talaga sa iyo ang destiny no?” puna ni Apollo.

“Siyempre! Para sa akin, destiny ang isa sa mga pinaglalaban ng tao sa mundong ito. Kasi pwedeng pinaglalaban mo yung destiny mo, or lumalaban ka para mahanap yung destiny mo, just like what the song said, ‘with every broken bones, i swear I lived’, and he truly did. Kasi lumaban siya sa buhay.”

Saglit namang napatigil ang lalaki sa sinabi ni Rachel. Siguro’y masyadong nalaliman sa pinagsasabi nito sa kanya.

“Ikaw na na-inspire sa kantang yan!” sagot na lang ni Apollo.

Umayos naman si Rachel ng upo niya samantalang si Apollo naman ay napatingin sa papalubog na araw na tila iniisip kung gaano na nga ba sila katagal sa loob ng ferris wheel.

“Ikaw, anong top 2 mo?” biglang tanong ng babae.

Sinilip muna ni Apollo ang nilagay niya bago niya ito ipakita sa nagtanong.

Owl City.

“Ay wow! Ang layo ng genre ha. From Punk to Electronic Pop? Napaka-eclectic ng musical taste mo ha,” komento ni Rachel.

“Siyempre, ang music naman kasi parang fluid, random yan. Marami kang makukuhang magagandang kanta, hindi lang sa Punk. Ikaw nga, from Folk/Rock to Teen Pop eh. Parkour!” pang-aasar ni Apollo.

“Fine. I rest my case,” pag-suko ng babae. “Pero in fairness, magandang band ang Owl City. Though aminin ko, hindi ako masyadong fan nila. Hanggang Fireflies lang ang alam ko sa kanila eh.”

“Paano mo naman nasabing maganda eh iisa lang naman pala yung alam mong kanta nila?” pang-aasar ni Apollo.

“Che!” sagot ni Rachel na tumatawa. Ilang saglit pa ay nagsalita ulit siya. “So bakit yan yung top 2 mo?”

Saglit namang napaisip si Apollo kung bakit niya nga ba nilagay ang bandang yan sa top 2 niya. Marami naman siyang alam na banda kaso Owl City talaga ang naisip niya kasi pakiramdam niya, swak ang Owl City sa mood nila ngayon.

Owl City gives me serenity. Ewan ko ba, kapag pinapakinggan ko sila, pakiramdam ko nasa eye of the storm ako. Kasi kahit alam mong kahit electronic pop/ indietronica sila, may mas malalim pang meaning yung kanta na di mo ma-distinguish kumpara sa ibang ka-genre niya na pang club lang ang purpose,” paliwanag niya.

“Spell serenity?” pang-aasar ni Rachel.

“Baliw ka talaga!” sagot ni Apollo habang tumatawa.

“Ano yung favorite mong song nila?”

“Let’s see,” sagot ni Apollo na iniisip ang sagot niya kasi sa totoo lang, marami siyang gustong kanta nila. “Pwede kasing Vanilla Twilight or Silhouette pero mag-sesettle ako sa Dreams and Disasters nila.”

“Bakit naman? Anong background ng kantang yan at nagustuhan mo?” tanong ulit ni Rachel.

“Nasa album yan ng The Midsummer Station, which was released last 2012,” panggaya ni Apollo sa pag-sasaulo ni Rachel sa discography kanina ng One Republic. Tumawa naman ng sarcastiko ang babae.

“Fine. Let me rephrase my question. Tungkol ba saan ang Dreams and Disaster?

“Pakinggan mo kaya para malaman mo?” utos ni Apollo sabay bigay ng phone sa kausap. Tahimik namang pinakinggan ng babae ang kanta. Hindi naman mabasa ng lalaki ang mukha ni Rachel kung masaya ba ito o hindi.

Sa kalangitan ng pakikinig ni Rachel, bigla itong nagtanong kay Apollo.

“Anong meaning nung song?” tanong niya.

“Well, mukha kasing straight-forward yung meaning ng kanta sa unang rinig mo. Tungkol yan sa dalawang taong nag-dadrive papunta sa kanilang pangarap. And along the way, dumadating yung mga problema sa buhay nila. Habang nasa sasakyan sila, nakikita nila yung bagong dadaanan nila kaya nag-hesitate sila kasi at the back of their mind, alam nilang delikadong tahakin yun. Ilang beses silang nag-hesitate pero hinabol pa din nila yung pangarap base dun sa lyrics na, ‘I wanna feel alive forever after‘.” pagpapaliwanag ni Apollo. Hindi naman umimik si Rachel kasi pinapakinggan pa din nito ang kanta kaya nagsalita ulit si Apollo.

“Tapos ang lalim pa ng dating sa akin ng lyrics dun sa second verse kasi sabi dun, ‘Think of the sun and the sound of it rising. Still on the run, with our eyes on the horizon‘. Actually, ang tagal kong iniisip yung meaning nung line na yun. After some time, na-realize ko na lang yung connection nun sa idea ng kanta. Siguro, kita man nila yung bagyo sa windshield ng sasakyan, sure naman silang meron pa ding araw sa likod ng unos na lulusaw ng bagyo at magbibigay ng liwanag sa kanila kaya kinakailangan lang nila na mag-focus sa horizon because beyond that, there’s a sun na nagbibigay ng liwanag ng kanta. Hence, the chorus,” paliwanag ni Apollo.

Nanahimik naman si Rachel sa sinabi ni Apollo kaya nagsalita ulit siya ng, “Kung sa’yo, big word ang destiny, sa akin naman ay dreams kasi kung ang tadhana na ang nagdidikta sa ating buhay, ang ating pangarap naman ang nagbibigay buhay sa atin. Yung mga dreams kasi natin ang nagbibigay sa atin ng pag-asa para araw-araw na lumaban sa buhay,” pagpapaliwanag ni Apollo.

Tumingin si Rachel sa nagpaliwanag at nagsalita, “Iba talaga lagi yung view mo sa music noh? May mga kilala kasi akong tao na ‘music is life‘ pero tanging ikaw yung may ganyang point of view sa mga kanta,” pansin niya.

“Ewan ko ba,” sambit ni Apollo habang natatawa sa sarili. “Siguro nga weirdo ako, pero para sa akin, dapat may buhay ang kanta para makakaya nitong bumuhay ng ibang tao.”

“Daming alam!” asar ni Rachel.

“Grabe. Mang-aasar pa. I-share mo kaya na yung top 1 mo?” ganti ni Apollo.

Umayos muna si Rachel ng upo bago niya ulit kausapin ang lalaki. “Chenen!” sabi niya sabay harap ng papel sa kausap niya. Binasa naman ni Apollo ang nakalagay.

The Script.

“Ikaw na mahilig sa Irish band!” puna ng lalaki.

“Well siyempre, deserve naman ng The Script mapabilang dito sa Top 1 ko!” pagmamayabang ni Rachel.

“Ikaw na emo!” pang-aasar ni Apollo.

“Technically, they are rock band pero may konti silang emo na kanta,” pagtatama ni Rachel.

“Ever since ba, fan ka na nila?”

“Siyempre noh. Since 2010 fan na nila ako. Nung una, nagustuhan ko sila kasi madrama. Pero as time goes by, dun ko na-realize na lahat pala ng kanta nila ay meron pang mas malalim na meaning. Yun yung kinaibahan ng The Script sa mga banda nowadays. Kung hindi walang kwenta ang kanta, puro naman kadramahan pero wala namang sense yung ibang banda. Karamihan sa kanta ngayon, matunog naman, pero walang laman. Parang latang maingay. Dapat dun tayo sa mga kantang may substance,” sagot ng babae.

“Eh anong paborito mong kanta ng The Script? Breakeven ba o The Man Who Can’t Be Moved?” panghuhula ni Apollo.

“So kelangan yung mga mainstream na mga kanta nila yung suggestion mo?”

“Sorry. Hindi naman nila ako masyadong fan eh,” sagot ni Apollo habang tumatawa. “Ano yung favorite mong kanta nila?”

“Siyempre Science and Faith.

“Naks. Lakas maka-interstellar ng title ah. Parinig nga!”

Mga ilang minutong pinakinggan ni Apollo ang kanta bago siya nagtanong kay Rachel.

“Bakit mo naman yan nagustuhan?”

“Given na kasing well-written lahat ng kanta ng The Script. Tapos mas ginalingan pa nila sa kantang yan. It talks about the extremities of Love and Science. Pinakita dyan na hindi talaga laging nag-tutugma ang science at faith ng isang tao. Yun nga lang, may isang point na kung saan nagtatagpo ang science at faith: sa love. Yes, love song yung kanta pero iba yung sinasabi ng kantang yan sa akin. Sabi nga sa chorus, ‘You won’t find faith or hope down on a telescope. You won’t find hearts and soul at the stars. You can break everything down to chemicals but you can’t explain a love like ours‘. For me, it talks about our destiny. May mga moments na kung saan halos maubos na ang buhok natin kaka-formulate ng ating destiny to the point na nahihirapan ka nang maniwala sa destiny. But it is through love, makakayanan mo pa ding ipaglaban yung tadhana mo. Marerealize mo na lang na ang love pala yung magsisilbing ‘glue’ sa paniniwala mo at sa kaalaman mo kaya magagawa mo yung binigay sa iyong tadhana,” paliwanag ni Rachel.

Umarte namang sumasakit ang ulo ni Apollo na siya namang pinansin agad ng babae. “Woah, mindblown! Ikaw na!” pang-aasar ng lalaki. Tumawa na lang si Rachel habang tumitingin sa labas kung saan ang mga ilaw ng building na lang ang nagliliwanag.

“Eh ikaw, ano yang Top 1 mong band?” tanong ni Rachel habang nakatingin pa din sa labas.

Iniharap naman ni Apollo ang papel niya sa babae para mabasa nito ang nakalagay. Tumingin naman si Rachel sa nakalagay.

Coldplay.

“Fan ka talaga ng pop rock na band no?” puna ni Rachel.

“Uh technically hindi sila pure pop rock na band. Gumagamit din sila ng alternative rock, british pop, at indie pop na genre,” sabi ni Apollo.

“Wow. Hindi pala nerd sa music ha,” sabi ulit ni Rachel na tinawanan ni Apollo. “Sure ka, umabot sila sa alternative? Parang naabutan ko lang sa kanila ay mga pop. Sila na ang fluid!”

“Try mong pakinggan yung album nilang Viva La Vida para mapakinggan mo ang alternative side nila.

“Diba kakatapos lang ng concert nila the other day?”

“Yeah. Nung April 4 lang yun.”

“Nakapunta ka naman?”

“Siyempre, die hard fan ako eh!” sagot ni Apollo.

“Naks. Ikaw na fan,” sabi ni Rachel habang tumatawa. “So bakit sila yung nasa Top 1 mo?”

“Una, may substance ang mga kanta nila. Pangalawa, well-written ang lyrics. Pangatlo, flexible yung music nila. At higit sa lahat, yung mga kanta nila ay timeless. Yung Yellow ngang kanta nila sa album na Parachutes ay hindi boring at baduy kung papakinggan mo ngayon kahit noong 2000 pa ito na-release. At vice versa, yung kanta nila sa album na Ghost Stories kagaya ng A Sky Full of Stars at Ink ay hindi din baduy pakinggan sa panahon dati kung sakaling ma-released man yun noong 2002.”

Halata namang namangha si Rachel sa sagot ni Apollo. “May timeless pala talagang mga banda?” tanong niya habang nakatingin sa labas.

Queen, The Beatles, Bee Gees, Air Supply, at Eraserheads ang magagandang example ng mga timeless na banda. Kasi kahit anong generation simula dati hanggang ngayon ay familiar sa mga kantang Bohemian Rhapsody, Hey Jude, How Deep Is Your Love, Making Love Out of Nothing At All, at Ang Huling El Bimbo. Sa aking opinion, may ganung vibe ang mga kanta ng Coldplay.

Tumingin si Rachel sa nagpaliwanag na tila natutuwa sa paliwanag nito. “So what’s your favorite song of Coldplay?”

Miracles,” mabilis na sagot ni Apollo.

Kumunot ang noo ng babae na halatang hindi pamilyar sa kanya ang kanta. Kinuha naman ni Apollo ang kanyang cellphone para ipakita at iparinig kay Rachel ang kantang sinabi niya.

“Nasa album yan ng A Head Full of Dreams na na-released last 2014,” sabi ni Apollo habang pinagmamasdan niya ang mukha ni Rachel na nakikinig sa kantang binigay niya.

Nang matapos na si Rachel sa pakikinig ng kanta, binigay niya ulit ang phone kay Apollo habang nagtanong ng, “Bakit mo nagustuhan ang kantang yan?”

Saglit na nag-isip si Apollo bago sumagot. “Ewan ko ba, pero may kakaiba sa kantang yan. Tungkol kasi yan sa mga problema na binabato ng mundo sa singer. Ang malala dun, kung kelan siya nasa taas saka naman dumadating ang bagyo para lang ibagsak siya at sirain ang buhay niya base dun sa lyrics na, ‘Oh, now I’m floating so high. I blossom and die. Send your storm and lightning to strike‘. Pero kahit ganun ang nangyari sa kanya, he endured. Kasi alam niyang may pag-asa pa din. Meron siyang pinaglalabang dream eh. Kaya ayun, nag-rise up siya sa mundo. Kaya siguro ang powerful nung statement dun sa huling verse na, ‘Oh hey now, I’m floating up above the world now!’. Kasi sa totoo lang, ang tipping point ng buhay ng tao ay kapag nakaya na nitong ma-overcome ang mundo kasi may pinaglalaban itong pangarap at tadhana. Hindi naman kasi mundo ang kayang makapagdikta ng tadhana mo. Tanging takot o problema lang ang kayang ihain nito sayo,” mahabang paliwanag ni Apollo na ikinatahimik ng kausap niya na nakatingin lang sa hangin kaya umimik ulit ang lalaki.

“Sa akin ha, ang totoong miracles dyan ay hindi yung nakuha na niya yung pangarap niya kasi he/she is destined to get it in the first place. Ang totoong miracles dyan ay yung moment na kung saan na-overcome na nito yung mundo.”

Tumingin naman si Rachel kay Apollo. “Bakit yun yung miracle?”

“Kaya yun naging himala kasi hindi naman nature ng tao na umiba sa mundo eh. Kung tutuusin, mas trip ng tao na gumaya at mag-go with the flow sa mundo. Kahit nga sa kanta eh. Mas trip ng maraming tao yung mga kantang mainstream kahit minsan, walang substance. Ang mahalaga, nasa trend ka. Konti lang yung naglalakas loob na maging iba kasi takot mahusgahan. Konti lang ang nag-rise up sa mundo kasi mahirap yun.”

Tumawa naman ai Rachel sa sinabi ni Apollo kahit wala naman talagang nakakatawa. “Ang dami mo talagang alam ha. Bagay kang maging Philosophy teacher sa asta mo!” sabi ni Rachel.

Tumawa na lang din si Apollo kasi hindi lang ito ang unang beses na sinabi sa kanya yan ng mga nakakausap niya.

“Feeling ko nga,” sabi ni Apollo pagkatapos niyang tumawa. “Baka kaya ako nandito sa ferris wheel ay gawa ng kantang yan.”

“Ha? Bakit naman?”

“Pagkatapos ko kasing pumunta ng concert last time, may na-realize lang ako sa kanta,” sagot ni Apollo. Tumingin naman ulit sa labas si Rachel. “Pwede pa lang may ibang tinutukoy yung salitang mundo dun sa kanta.”

Patuloy na nanahimik ang babae na tila nakikinig sa paliwanag ni Apollo kaya minabuti nitong ituloy ang sinasabi niya.

“What if yung ‘world’ na sinasabi sa kanta ay ang ibig sabihin pala ay yung sarili niya na ginawang mundo? Kasi pwede naman talaga na ang magiging pinakamalaki mong kalaban sa mundong ito ay yung sarili mo. Kadalasan, tayo yung nagbibigay ng bagyo na papatay sa atin, metaphorically speaking ha. Madalas, tayo na mismo ang nagbibigay sa ating sarili ng limit wherein mas malayo pa sana ang mararating natin. Kaya naisipan kong sumakay dito sa ferris wheel ay para ma-overcome ko yung takot ko,” sabi ni Apollo.

Tumingin naman si Rachel sa kausap niya. “Kaya pala absent-minded ka kanina nung umakyat ka dito. Akala ko nga adik ka eh,” sabi ng babae.

“Grabe naman!”

“Pero kidding aside, maganda yan na nilalabanan natin yung takot natin. At least alam mong may fighting chance ka.”

“May mga moments ba kung saan wala nang pag-asa na ma-overcome mo yung takot?” tanong ng lalaki.

“Meron naman. Mahirap ma-overcome ang fear kapag ang kinakatakutan mo ay ang tadhana mo. Mahirap lumaban sa tadhana noh,” matalinhagang sabi ni Rachel.

“Ha? Bakit ka naman matatakot sa tadhana mo?”

“Madaling matakot sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Ewan ko ba,” sabi ni Rachel sabay upo niya ng maayos habang nakatingin sa sapatos niya. “Parang ang destiny ko na lang ata ay ma-pressure sa paligid ko eh! Parang nabuhay na lang ako para lang tanggapin lahat ng salita ng pamilya ko, ng mga kakilala ko at mga tao sa paligid ko. Mahirap mabuhay kung pinapatay naman ng ibang tao yung apoy na nasa puso mo,” paglalabas ng hinanaing ni Rachel.

Nanatiling tahimik si Apollo kasi sa unang beses ngayong araw na kausap niya si Rachel, dun lang niya nakita sa mga mata nito ang nakatagong kalungkutan sa buhay ng babae.

Pagkatapos ng saglit na katahimikan, doon lang napansin ni Rachel ang pananahimik ni Apollo kaya umimik ulit ang babae.

“Uy sorry ha! Normally hindi naman ako ganito, sadyang na-stress lang ako these past few days kaya kung anu-ano na ang sinasabi ko. Na-burden ka ata sa mga chika ko,” paumanhin ni Rachel.

“Ay hindi naman dahil dun kaya nanahimik ako. May naisip lang kasi ako,” sagot ni Apollo.

“Ano naman yun?”

“Ano ang kinaibahan ng salitang duwag at takot?”

“Uh, scared and afraid?” pang-aasar ni Rachel. Kumunot naman ang noo ni Apollo. “Joke lang,” bawi niya. “Parang wala namang kinaibahan yun eh.”

“Ang kinaibahan ng dalawang yan ay kapag duwag ka, pipigilan ka nitong makaalis sa pwesto mo. Pero kapag takot ka, pipilitin ka nitong umalis sa pwesto mo,” sagot ni Apollo. “Ako, may takot ako sa heights kaya pinilit ako nitong gumalaw. Pinapili ako ng takot ko kung iiwas ako sa matataas na lugar o haharapin ko yun. Hindi ako hinayaan ng takot ko na manatili ako sa pwesto ko. Ikaw, sa tingin mo, may takot ka ba talaga sa tadhana mo, o sadyang duwag ka lang kaya tinatakbuhan mo lang ito?”

Bigla namang nawala ang emosyon sa mukha ni Rachel. “Hindi ko alam,” sagot nito.

Ngumiti naman si Apollo sa kausap niya bago ito tumingin sa labas. “Tinanong din kasi ako ng kaibigan ng Kuya ko niyan last year. Lagi kasi akong sinasama ni Kuya Silver sa pagbabasketball nila kaya close kami. Nagulat nga ako sa kanya kasi ang pagkakakilala ko kay Kuya Rico ay isang mababaw na masiyahing tao lamang. I guess, iba talaga yung nagagawa ng isang sakit sa ibang tao. Yang tanong na yan yung sinagot niya sa akin nung tinanong ko siya kung natatakot siya sa tadhana niya knowing na stage 4 na yung cancer niya. Alam mo ba kung anong sinagot niya?”

Saglit na tumigil si Apollo at tumingin sa kausap niya.

“Ang sabi niya, ‘Hindi naman. Kasi kahit mawala man na ako sa mundong ito, hindi pa matatapos yung tadhanang binigay sa akin ng Diyos base sa lahat ng naambag ko sa pagbabago ng mundo.’ Na-amazed nga ako noon sa kanyang optimism eh. Kaya tinanong ko siya kung papaano niya nagagawang maging optimistic sa mga panahon na kitang kita sa kanya ang paghihirap at panghihina. Ang sagot niya sa akin na nagpataas pa ng respeto ko sa kanya ay, ‘Pinipili ko kasi yung mga bagay na magbibigay sa akin ng positivity sa buhay. Kasi sa totoo lang, kaya naghihirap ang buhay ng isang tao ay hindi dahil gawa ng mga sakit kundi ang pagkakaroon ng negativity sa buhay. Ito ang kanser ng lipunan. Kung negativity na lang ang mananalaytay sa puso mo, wag ka nang umasa na magiging maayos ang mga magagawa mo.’ Kaya simula nun, nag-iba na ang pananaw ko sa buhay. Oo nga no? Ako, wala akong sakit pero kung makapagreklamo ako sa mundo, daig ko pa si Kuya Rico.”

Tumingin si Rachel kay Apollo at nagsalita ng, “Bakit mo sa akin sinasabi yan?”

“Kasi naniniwala ako na hindi ka binigyan ng isang tadhana na ang laman lamang ay ang pagsunod sa pressure ng mundo. Naniniwala akong kaya mo ring lagpasan ang mga problema na binabato sa iyo nito. Kelangan mo nga lang piliin kung saang mga bagay ka lang ma-dudwell,” walang kalatoy-latoy na sabi ni Apollo.

Tumawa naman si Rachel sa narinig niya na parang hindi dito naniwala. “Paano mo naman nasabi yan?” tanong ng babae. “Hindi nga tayo masyadong magkakilala eh.”

“Mas nakilala kita base sa music taste mo.”

“Dun lang?”

“Naobserve ko kasi kung papaano mo iniintindi ang mga kantang naririnig mo at kung papaano ito nagkakaroon ng impact sa iyo. At kaya kong sabihin na deep kang tao. Kaya nga lang, masyado ka nang maraming pinapakinggang kanta ng mundo kaya nabibingi na ang puso mo. Pinipilit mong intindihin ang ingay na inaalay nito sa iyo kaya yung mga dapat mong pakinggan na kanta ay hindi mo na marinig. Pero ngayon, nasa sitwasyon tayo na kung saan nanahimik ang mundo natin kaso nakatakip pa din ang tenga kasi takot kang mabingi ulit. Hindi mo na marinig ang pagkanta ng tadhana,” litanya ni Apollo.

“Kaya mo lang yan nasasabi kasi wala ka sa sitwasyon ko!” medyo mataas na tono ni Rachel na ikinagulat ni Apollo. Akala niya galit sa kanya ang babae pero narealize niyang sa iba ito nagagalit.

“Hindi mo alam kung gaano ka-random ang tadhana. Hindi mo alam kung kailan ka nito ipaglalaban o lalabanan. Yun yung pinakarason kung bakit ito nakakatakot. Fine, ako na yung duwag na tumakbo sa tadhana ko. Kaya hanggang ngayon, palagi kong hinahanap ang rason kung bakit pa ako nandito sa sitwasyon na ito.”

Nanahimik naman si Apollo kasi alam niyang naglalabas lang ng hinanaing si Rachel. Sa tingin niya, ito na ang pagkakataon ng babae para tinig naman niya ang bumasag sa mundong ginagalawan niya.

“Ewan ko ba,” sabi ni Rachel na tila kumakalma na. “Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin eh, baka nga tama ka, masyado nang nabingi yung puso ko. Baka nga tama ka, nagpakain na ako sa kanser ng lipunan na sinasabi mo. Baka nga tama ka, masyado na siguro akong nalunod sa pressure ng pamilya ko sa aking pag-aaral kasi alam ko namang in the first place, hindi talaga nila ako tunay na kapamilya kaya ganun na lang ang trato nila sa akin, na parang ninanakawan ko sila ng pera. Maaaring big word sa akin ang tadhana pero base sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon, parang nahihirapan na akong maniwala dito,” malungkot niyang sabi.

“Oo nga, maaaring hindi ko alam kung gaano ka-random ang tadhana at kung kelan ka nito lalabanan o ipaglalaban. Pero gusto kong sabihin sa iyo na dapat kang maniwala sa tadhanang binigay sa iyo ng Diyos,” sabi ni Apollo habang nakatingin kay Rachel. “Tsaka magtataka ka ba talaga kung meron pang tadhana na nakalaan sayo? Sa tingin mo ba, aksidente lang na nangyari ito na sa dinami-dami ng taong nandito, ako pa talaga ang nakausap mo? Sa dinami-dami ng pwede nating pag-usapan, tungkol pa talaga sa mga kanta at sa destiny? Sa tingin mo ba aksidente lang lahat ng ito?”

Hindi naman umimik si Rachel. Sa unang pagkakataon habang nasa ferris wheel, tumayo si Apollo kahit medyo natatakot pa din siya sa taas ng sinakyan nila at tumingala sa labas, kung saan nakikita na niya ang papalabas na mga bituin.

“Sabi sa kantang Ho Hey, ‘I belong with you, you belong with me’. Baka nga sinasabi na sa atin ng tadhana na magdesisyon na tayo kung talaga bang para sa atin ang tadhanang ibinigay sa atin. Sabi sa kantang Oh Well Oh Well, ‘I’ll keep you warm, safe in my arms, till heaven calls, keep holding on’. Baka sinasabi na sa atin ng tadhana na kailangang hindi mawala ang pag-asa natin kahit may problema mang harapin. Sabi sa kantang I lived at Dreams and Disaster, With every broken bones, I swear I lived’ at ‘Follow the light to the dreams and Disasters!’. Baka sinasabi sa atin ng tadhana na maaring masakit ang pagdaanan natin, at the end of the day, worth it ito. Sabi sa kantang Science and Faith, ‘You can break everything down to chemicals, but you cannot explain a love like ours’. Baka sinasabi sa atin ng tadhana na maaring hindi natin maintindihan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa atin pero kung ang magiging core natin ay ang pagmamahal, mas makakaya nating ipaglaban ang ating tadhana. At sabi sa kantang Miracles, ‘Oh hey I’m floating up above the world now!’. Sinasabi sa atin ng tadhana na we are born to be conquerors. We are destined to be above the world,” litanya ulit ni Apollo. “Sa tingin mo ba, lahat ng yan ay coincidence lang? I think not,” dagdag niya.

Tumingin na din si Rachel sa bituin at nagsalita. “Paano ba malalaman ang tadhana mo?”

“Kung alam mo ang calling mo, alam mo ang destiny mo,” biglang sagot ni Apollo na maski siya hindi niya alam kung saan niya napulot yun. “Para malaman ang calling mo, kelangan mong malaman ang purpose mo. Para malaman ang purpose mo, kelangan mong tanggalin ang kanser sa puso mo. Kailangang maging pure ulit ang puso mo para malagyan ito ng positivity, para mas magliwanag ang paningin mo at magawa mo yung dapat baguhin sa mundo. Ganyan yung ginawa dati ni Kuya Rico kaya nafulfill niya yung destiny niya.”

“Ang hirap naman nun!” reklamo ni Rachel.

“Wala namang nagsasabi ng madali lang yun. Ang mahalaga, meron kang tadhanang pinaglalaban.”

Tumawa naman si Rachel na senyales na suko na siya sa argumento nila ni Apollo. Tinawanan naman na rin ni Apollo ang nangyayari sa kanila. Palibhasa, biglang naging malalim ang naging usapan nila. Kasabay ng pagtawa nila ang siyang pag-andar ng ferris wheel na lubos nilang ikinatuwa. Doon lang nila napansin na dalawang oras silang nakatengga sa taas.

Pagkababa nila ng ferris wheel, naisipan nilang bumili ng ice cream sa tabi. Habang inaantay nila ang binili nila, nagsalita si Rachel.

“Narealize ko lang, minsan, ang buhay parang ferris wheel lang. Minsan nasa taas ka, minsan nasa baba ka. Minsan titigil kasi may anomaly. Yun nga lang choice mo kung matatakot ka, kung magagalit ka, matutuwa ka, mapipikon ka, o pwede kang manahimik at hanapin mo ang source of wisdom na more likely nasa tabi mo lang yun,” sabi ni Rachel.

Kinuha naman ni Apollo ang ice cream at inabot niya kay Rachel ang isa. “Wala eh, ganun talaga ang buhay. Palaging may pinagdadaanan. Pero necessary din yun kasi minsan kailangang may pagdaanan para may mapuntahan. May mga moments na dapat piliin natin yung mga kantang magpapabago sa atin kesa yung mga ingay na magpapabingi sa atin.”

“Agreed. Ang dami ko tuloy natutunan sa iyo.”

“Ako din. Natutunan ko kung gaano ikaw ka-nerd sa music,” pang-aasar ni Apollo.

“Siyempre! Ang laki ng tiwala ko dun eh!” depensa ni Rachel.

“Naks, big word.”

“Siyempre kaya, music has the ability to change the world because it can change the people.”

Tinaasan naman ng kilay ni Apollo ang kausap niya. “Lah. Pati ba naman sa quotes nerd ka na rin? Sinabi ni Bono yun ah,” pansin ni Apollo.

“Of course, fan din ako ng U2.”

“Ikaw na may malawak na reference sa music. New Wave pa!”

Tumawa na lang silang dalawa. Sabagay, totoo naman kasi ang sinabi ni Bono.

 

 

Nagising si Apollo sa tawag ng cellphone niya. Medyo inis pa niya itong kinuha kasi Sabado na nga lang ang libreng araw niya sa sobrang daming trabaho niya tapos may iistorbo pa sa pagtulog niya.

Pagkakuha niya ng cellphone, nakita niya ang nakalagay kung sinong tumatawag sa kanya: si Phillip.

“Oh. Anong kelangan mo?”

“Sungit ata ni Mr. Interior designer ah.”

Tumawa naman si Apollo. “Wag kang mayabang dyan porket Engineer ka na,” sagot ni Apollo. Tumawa rin sa kabilang linya si Phillip.

“Ang aga mo namang mang-istorbo ngayon ah. Anong meron?”

“Ireserve mo na ang last Friday mo next month.”

Saglit na tumingin si Apollo sa schedule niya bago siya sumagot ng, “Woah, hindi ko pwedeng basta-bastang i-cancel yun. May important client kami nun.”

“Reunion na natin nun. Yung mga naka-graduate ng 2010-2014 ang mag-rereunion. Hindi ka ba nasabihan ng Kuya mo? Kasama din sila ah.”

“Wala namang sinasabi yung ungas na yun eh. Tsaka 10 years lang nung naka-graduate tayo ah. Ang OA ng school natin.”

“Basta pumunta ka, ikaw naka-toka sa music, lights and sounds nun.”

“Ha?! Bakit ako?”

“Ikaw naman kasi ang pinaka may sense of music sa section natin.”

Saglit namang nanahimik si Apollo para pag-isipan ang pagpunta sa reunion nila. “Hoy! Wag mo akong tulugan,” sigaw ni Phillip sa kabilang linya na tila naiinip na.

“Tae, gising pa ako! Teka lang naman, biglaan eh!” reklamo ni Apollo kasi parang nabingi siya sa sigaw ng kausap niya.

Pagkatapos ng ilang segundo ay umimik na ulit si Apollo. “Fine, ireresched ko na lang appointment ko nun.”

“Naks. Sige. Kumbinsihin mo din sila Fred at Marco na pumunta ah. Para kumpleto na ulit ang barkada,” sabi ni Phillip na halatang masaya sa pagpunta nila Apollo.

“Ha? Si Fred madali lang sabihan yun, kaladkarin yun eh. Pero pati si Marco? Asa namang pupunta yun. Bitter pa din yun sa past niya eh,” tanong ni Apollo.

“Sabihan mo lang yun. Tutulungan kita. Ako na ang bahalang magdrama dun,” sagot ni Phillip habang tumatawa.

“Baliw!”

“Wala namang hindi baliw sa tropa natin eh,” sabi ni Phillip. “Sige na nga, nakakahiya naman, nakakaistorbo na ako sa pahinga mo boss. Ibaba ko na ito, ge.”

Pagkababa niya ng phone niya, umupo si Apollo sa kama niya at habang inaayos niya ang pinagtulugan niya, bigla siyang napaisip.

Hindi naman mawari ni Apollo kung bakit madali siyang napapayag ni Phillip na sumama sa reunion nila considering na ang hectic na ng schedule niya.

Siguro naghahanap na siya ng pahinga. O baka naman namimiss na niya ang school niya. O baka gusto niyang bumalik sa nakaraan para makita niya ang mga pinagdaanan niya sa buhay at kung papaano ito nakahubog sa pagkatao niya.

Sa dinami-dami ng bubungad sa paggising niya ngayong umaga, yung reunion pa talaga. Sa dinami-daming oras na kung saan pwedeng tumawag si Phillip, ngayong umaga pa, kung saan full-charge ang phone niya. Coincidence nga lang ba itong lahat?

Siguro ultimong ganitong maliliit na bagay ay nakaayon sa tadhana niya. Baka nga kailangan na nga niya itong pagdaanan.

Minsan kailangang may pagdaanan para may mapuntahan, sabi ni Apollo last 7 years ago.

Tumawa na lang si Apollo sa naisip niya. Siguro sa gutom ay kung anu-ano na ang naiisip niya. Tumayo na siya at lumabas ng kwarto para pakinggan ulit ang pagkanta ng tadhana sa buhay niya.

-END

One thought on “Ang Pagkanta Ng Tadhana

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s