Destination Series

Destination : The Realm of Reality

DESTINATION Series: Part 3

 

“Minsan sa buhay, may mga sitwasyon tayong gusto natin ay perpekto. Maliit na bagay man o malaki, nais natin naayon ito sa gusto natin. Kaso minsan, nalilimutan natin ang realidad na kung saan may mga bagay din na hindi perpekto.”

Ganyan ang iniisip ni James habang kumukuha siya ng litrato sa Intramuros. Kanina pa siya ditong ala-sais ng umaga para lang makakuha ng magagandang larawan. Kasalukuyan kasing walang pasok ang mga paaralan dahil Manila Day naman ngayon. Kaya habang nag-uubos siya ng oras, napag-isipan niya na pumunta dito. Yun nga lang, nahihirapan siyang kumuha ng magandang larawan dahil napakadaming tao. Kanina pa siya nag-aadjust, sadya nga lang na napakahirap makakuha ng magandang larawan. Kasalukuyan siyang nakatambay sa Anda Circle para maghanap ulit ng magandang posisyon ng pagkukuhanan nang sakto namang may natipuhan siyang pwesto kaya nagmadali siya papunta dun. Akmang kukuha na siya ng litrato nang biglang tumambay din dito si Arielle at umupo sa may bench na pipicturan niya. Napasimangot tuloy siya at nagsalita.

“Miss, excuse me lang. Pwede bang lumipat ka muna ng pwesto? Mahahagip ka kasi sa mapipicturan ko eh,” masungit na sabi ni James.

Hindi naman siya narinig ng kinausap niya. Kung tutuusin, kaunti lang naman ang sasakyan doon kaya imposible siyang hindi marinig. Mas lalo tuloy siyang nairita.

“Miss! Rinig mo ba ako? Pwede bang excuse me?”

Hindi naman siya inimikan ng babae bagkus ay umalis na lang ito sa pwesto ng lalaki kaya naman nakuha na ni James ang pwesto at tahimik siyang kumuha ng litrato. Nakailang kuha siya ng litrato nang napagdesisyunan na niyang umalis sa pwesto. Nagsimula na siyang maglakad nang may makita siyang wallet na nasa daan. Kinuha niya ito at tumingin sa paligid. Siya lang naman ang tao na malapit dito at yung babae kanina na nakaupo sa may bench. Kaya pinuntahan niya ulit ang babaeng nakatulala lang sa kawalan at tinapik niya ito.

“Miss. Wallet mo oh, nahulog,” kalmadong sabi ni James.

Napatingin muna si Arielle sa kausap niya bago siya mahinang tumugon ng, “Salamat.”

“Ano, Miss. Sorry nga pala kanina ah. Pasensiya na at nasungitan kita. Mainit kasi eh.”

Hindi naman nakasagot si Arielle kasi nakatulala na ulit siya. Hindi tuloy alam ni James kung magsasalita ba siya o aalis na lang. Akmang aalis na siya nang nagsalita ulit ng, “Miss. Hayaan mo na siya. Marami pang ibang tao dyan. Makakaya mo naman ulit magmahal eh.”

Napatawa naman si Arielle na sadyang ikinagulat ni James. Kaya naman palang tumawa ng babaeng ito? Akala niya habang buhay siyang nakatulala sa pwesto niya.

“Sorry for laughing. Ang funny naman kasi ng sinabi mo. Kapag nakatulala, broken hearted agad? Hindi ba pwedeng na-stress lang ako sa paper works ko? Sorry for bothering you pala kanina. Hindi ko lang napansin na kumukuha ka ng shots dun.”

“Nako, wala yun. Haha,” pagsagot ni James. Saglit na nanahimik sila nang biglang nagsalita si Arielle.

“Bakit dito pa sa Intramuros? Madami-dami namang ibang tourist spots na pwedeng makuhanan ah?”

Napahawak si James sa kanyang camera na parang nahihiya bago siya sumagot ng, “Ah, kasi wala pa akong allowance. Kulang ang pamasahe ko eh.”

Natawa naman si Arielle sapagkat halata sa kausap nito na hiyang-hiya sa sinabi nito kaya nagtanong na lang ulit siya ng, “So may nakuha ka namang magagandang shots?”

“May nakuha kong mga litrato pero hindi ko lang sure kung maganda,” sabi ni James saka niya ipinakita ang mga kuha niya.

“Minimalist ka pala sa pagkuha eh,” komento ni Arielle habang tinitingnan ang mga litrato sa camera ni James. “Ano ba ang motivation mo at mga bagay lang ang kinukuhanan mo? Wala man lang ni-isang tao ang kinuhanan mo.”

“Wala naman. Kung ano lang ang makuhanan ko,” sabi ni James na bigla namang natawa.

“Bakit?”

“Wala lang naman. Now that I think about it, alam ko na siguro kung bakit ako kumukuha ng litrato,” sabi niya. Saglit siyang tumigil at nagsalita ulit siya. “May theory kasi ako. The theory of reality beneath the illusion,” pagmamayabang ni James sa idea niya.

Namangha naman si Arielle dito at nagtanong siya sa lalaki. “So what does your theory states?”

“Simple lang. It states that there is always hidden reality behind every illusions that we face. Meron palaging level ng realidad ang mga nakikita natin. Kapag tiningnan mo ng mas malalim ang isang bagay, o isang perspective mas makikita mo ang realidad nito. Pero at the same time, may mga ilusyon tayong minsang mas pinaniniwalaan na natin kesa sa realidad. Marahil mas nakikita na natin ang ilusyon nito.”

“Saang field ba yan?”

“Sabi ko nga kanina, sa lahat ng fields applicable yan,” sabi ni James. Tapos may tinuro siyang isang pamilya na nagtatawanan sa di kalayuan. “Tingnan mo yung pamilyang iyon. Sa tingin mo, masaya kaya talaga sila? Baka naman kasi may iniwan muna silang problema sa bahay nila diba? Ano kaya sa tingin mo ang pinapakita nila sa atin? Realidad o isang ilusyon?”

“Eh diba parang ang judgemental naman kapag ganun? Hindi naman siguro nila kailangang magkunwari ng ganun noh?”

“Hindi ko naman sila hinuhusgahan ah. As I said before, pwede na ang ipakita nila naman talaga ay yung reality ng buhay nila. Ang goal ko lang naman is ma-identify ang reality over the illusions. And going back to your first question, ang motivation ko lang kaya ako kumukuha ng litrato is simply to capture that reality. Kaya bagay ang kinukuhanan ko kasi mas mahirap ma-identify kung reality ba o illusion lang kapag tao ang kukuhanan. Tingnan mo, may makita lang na camera ang tao, todo ngiti yan kahit gutom yan, kahit badtrip yan, at kahit inaantok pa yan,” pagpapaliwanag ni James.

“Nakakatuwa naman ang idea mo. Haha. Pero in fairness, napapaisip tuloy ako sa mga nakikita ko ngayon. Kung reality na nga ba ito, or illusion!” sabi ni Arielle.

Natawa naman sila sa sinabi ng babae. Akmang tatayo na si Arielle nang nagtanong si James. “Saan ka na niyan pupunta?”

“Ewan. Maglalakad siguro ako kung saan sa loob ng Intramuros. Magmamasid din ako sa mga tao sa loob kung totoo nga ba yang sinasabi mo. Haha,” sagot ni Arielle.

May pumasok tuloy na ideya sa utak ni James. “Alam ko na! Nagbabalak din kasi akong maglibot-libot sa loob. Mangunguha din ako ng mga litrato diba? Samahan kaya kita para mas lalo ko pang ma-prove sa’yo ang theory ko? Haha. Kung okay lang naman sa iyo. Baka kasi mailang ka sa akin kasi isa lang akong estranghero.” Saglit namang nag-isip si Arielle sa mungkahi ng lalaki. Hindi naman siya mukhang masamang tao kasi kung masama siya, matagal nang may nangyari sa kanya.

“Ang dami mo namang sinabi. Haha. Okay lang naman sa akin eh. Parang baliw to.” Nagulat naman ang lalaki sa pagkakaroon ng mabilis na desisyon ni Arielle. Ano nga kaya ang pakulo ng babaeng ito?

Natawa na lang si James bago siya nagsalita. “Ayon. Ayos! Pero kain muna tayo. Gutom na ako eh. Libre ko na.”

Sumang-ayon naman ang kausap nito at sila’y naglakad papunta sa isang karinderya. Habang kumakain sila ng sinigang, nagsimula silang mag-isip kung ano nga ba ang magiging pakulo ng bawat isa. Iniisip nila kung ano nga ba ang pag uusapan nila. Higit sa lahat, iniisip nila kung tama ba ang gagawin nila.

“Ay may naisip ako. May nabasa kasi akong isang libro na nagsasabi na mas madali daw nating masasabi ang gusto nating sabihin kung hindi natin sasabihin ang pangalan natin sa isa’t isa,” suhestyon ni James.

“Ha? Ano namang libro yan?”

“Nalimutan ko na yung title eh. Pero feel ko totoo nga yun. Di ba mas madali tayong mag-conclude sa mga hindi natin kilala? Para mas madami tayong masasabi sa isa’t isa. No barriers kumbaga. Kasi nga, hindi naman natin alam ang pangalan ng isa’t isa.”

Natawa naman si Arielle sa ideya ng kausap niya. “Sige ba,” pagpapaubaya niya. “Kahit alam kong naghahanap ka lang ng rason para mang-judge dyan.”

“Grabe. Hindi ba ikaw ang nanghusga dyan? Hinusgahan mo agad ako base sa sinabi ko, hindi sa resulta ng nagawa at magagawa ko.”

“Baka ikaw ang naging judgemental dyan. Nang judge ka kasi inakala mong hinusgahan kita. Bakit kaya ganyan ang tao? Nanghuhusga sa ibang tao kasi inakala nilang may nanghuhusga sa kanila?” tanong ni Arielle.

Napangiti naman si James sa sinabi ni Arielle. “See? Mas madami kang nasasabi kasi hindi mo naman alam ang pangalan ko.” Natawa naman si Arielle sa sinabi sa lalaki na naging senyales na tapos na ang pag-uusap nila sa sandaling iyon.

Pagkatapos nilang kumain, nagsimula na silang maglakad-lakad. Dinala sila ng paa nila papuntang Manila Cathedral Church. Natuwa naman sila kahit papaano kasi madami ang tao pagpunta nila. Nagsimula na silang mamasyal sa loob. Yun nga lang, hindi na lang sila kumuha ng litrato sa loob. Bagkus ay lumabas sila at pinagmasdan ang isang daanan na may kakaunting mga stall ng souvenirs.

“Malaki kaya ang kinikita ng mga tindero sa pagbebenta nila ng souvenir?” tanong ni Arielle.

“Ewan ko. Siguro,” sabi ni James sabay upo niya sa hagdanan sa labas ng simbahan. “Pero okay na yung ganyan. At least may matino silang trabaho, diba?”

“Kung sabagay,” pagsang-ayon ni Arielle habang umupo din sa tabi ni James. “Pero kawawa sila kapag kokonti lang ang mga turista. Saan kaya sila kumukuha ng source of income nila?”

“Baka yung iba, sila na ang naglalako kung saan-saan ng souvenir para lang magkaroon sila ng kita.”

“Kaso ang malungkot ang ibang tao kung makaiwas sa kanila akala mo may ketong sila. Bakit kaya ganun?”

Napangiti si James saka siya sumagot ng, “Symposium No. 1.”

“Ha?” pagtataka ni Arielle.

“Kaya lang naman may ganyang scenario kasi may mga judgemental na tao. Iyan ang unang layer ng reality kung bakit may ganyan. Kung bakit ganyan na lang makaiwas ang tao sa mga nanlilimos, sa mga taong nagbebenta ng school supplies sa bus, sa mga taong nagsosolicit, at sa mga taong mangangalabit sa iyo sa loob ng fastfood chain para magbenta ng pampasalubong na pagkain. Ang main reason lang naman kasi may mga judgemental.”

“Bakit nga ba may judgemental na tao?”

Napatahimik si James na tila nag-iisip kung anong isasagot niya. Tahimik na nag-aantay ng sagot si Arielle nang nagsalita na ang kausap niya.

“Diba kanina, napag-usapan natin yung bawat layer ng reality sa isang ilusyon? Siguro may layer din ang pagiging judgemental ng isang tao,” panimula ni James na lalong nagpatahimik sa kausap niya. “Siguro ang pagiging judgemental ng isang tao ay isa lang ilusyon. Malay mo meron pang mas malalim na dahilan kung bakit diba? Feeling ko nga defense mechanism lang ng tao ang pagiging judgemental. Ayaw kasi nilang mahusgahan kaya sila ang nauunang manghusga. Ano sa tingin mo?”

“May point ka naman. Pero ano nga kaya ang underlying na reason ng tao kung bakit sila ganyan? Feeling ko kasi meron pang mas malalim na rason eh.”

Napaisip naman sila ng matagal sa kinapupwestuhan nila. Buti na lang at medyo makulimlim kung hindi kanina pa sila sunog sa init. Biglang natawa si James na sadya namang ikinagulat ng kausap niya.

“Alam ko na! Ang pinaka-rason lang naman kung bakit tayo judgemental kasi sa kaloob-looban natin ay ayaw natin ng bago.”

“Ha? Papaano mo naman nasabi?”

“Eh kasi nagiging mapang-husga lang naman tayo kapag may nakikitang kakaiba, kung may nakikita tayong hindi natin gusto, at kung hindi natin ine-expect. Takot tayong magbago kasi natatakot tayong umalis sa comfort zone natin. Naging comfort natin ang buhay nating routinary. Kaya hindi lahat gusto ng rollercoaster eh, ang iba gusto lang ng ferris wheel. Ang iba pa nga gusto na lang manood sa mga taong nasakay sa rides kasi natatakot silang sumakay.”

“Marami namang tao ang gusto ng bago ah. Marami-rami pa ding mga taong naghahanap ng pagbabago ah?” pagsalungat ni Arielle.

“Madami nga, kaso madami ding tao na hindi nila na-jujustify na gusto nila ng pagbabago base sa aksyon nila,” sagot ni James na parang may pinaparinggan. “Kung gusto talaga ng pagbabago, ipakita naman nila na gusto nila through their actions! Hindi ko naman nilalahat pero sadyang may ganyang tao talaga na hanggang salita lang sila, walang aksyon. Kaya hanggang panghuhusga na lang tayo.”

Natahimik si Arielle kasi natatamaan siya sa sinabi ng lalaki. Pinapatamaan kaya talaga siya? Siguro lahat naman matatamaan sa mga sinasabi niya.

“Grabe namang conclusion yan,” pagbabasag ni Arielle ng katahimikan. “Pero siguro ganyan lang naman ang rason natin eh.”

“Sorry kung weirdo akong kausap ah,” natatawang sabi ni James.

“Hindi naman. Actually yung sinabi mo ang isa sa pinaka may sense na narinig ko eh.”

Natawa na lang sila at umalis na sila sa pwesto nila at nagsimulang maglakad-lakad ulit kasi dumadami na ang mga tao sa lugar nila. Dinala sila ng paa nila papunta ng Gen. Luna Street. Tahimik na kumukuha si James ng litrato sa kung saan man wala masyadong tao. Habang si Arielle ay nagmamasid din sa paligid na kinukuhanan ni James. Dahil sa kakakuha nila ng mga litrato nakarating sila sa harap ng Fort Santiago. Kaya naisipan nilang pumasok sa loob. Nakisabay sila sa mga taong naglalakad papuntang Rizal Shrine.

Kinuhanan ni James ang estatwa ni Rizal at sila’y pumunta sa Dambana ni Rizal at pinagmasdan ang mga estatwa, mga pintura, at ibang mga artifacts na nagpapakita ng buhay at pagkamatay ni Rizal.

“Alam mo ba yung kanta ng The Script na Without These Songs?” pagbabasag ni Arielle na nagpaalala kay James na may kasama pa pala siyang isang estranghero.

“Hindi eh. Bakit mo naman biglang nasabi?”

“Wala lang. May nakalagay kasi sa lyrics doon na, ‘The beauty of their lives is when they’re dead and gone. The world still sings their songs’. Ang interpretation ko kasi dyan sa kantang yan ay kung mamatay man yung mga singers, gusto nilang mag-iwan ng kanta na tatatak sa mundo. Wala lang, gusto ko kasi bago ako mamatay sana ganyan ang nangyayari sa akin. Gusto kong may makaalala sa maiiwan ko pag wala na ako.”

Nagulat naman si James sa sinabi ng kausap nito. “Bakit ka ba nagsasalita ng ganyan?”

“Wala lang. Eh kasi parang mas nalalaman mo ang impact ng buhay ng isang tao kapag mamamatay na ito. Kasi alam mo nang may nagawa siya, diba?” sabi ng babae.

Tumingin muna si James sa pluma na katabi ng iba pang gamit ni Rizal bago siya magsalita. “May punto ka naman. Nahugot mo ba iyan gawa ni Rizal?”

“Oo. Kasi ang amazing ng nagawa ni Rizal oh. Dahil sa sacrifice niya, nagising ang mga Katipunero para lumaban sa kalayaan diba? Kahit nga mga foreigner, kilalang-kilala siya eh.”

“Ang galing din naman kasi ng ‘will power’ niyang ipaglaban ang Pilipinas eh. For sure, mahirap yung ginawa niyang sakripisyo,” pag sangayon ng kausap niya. “Ano nga kaya ang pakiramdam ng mga taong mamamatay?”

“Symposium No. 2,” panggagaya ni Arielle kay James. Natawa naman si James sa kausap niya at hinayaan niyang magsalita si Arielle.

“Sa tingin ko, may dalawang pakiramdam lang ang taong malapit nang mamatay: ang pagiging malungkot at pagiging masaya,” panimula ni Arielle. “Ewan ko. Hindi ko naman sinasarado sa dalawa lang na layer ng realidad kasi baka yung ibang tao may iba pang nararamdaman para lang maiba sa ibang tao. Siguro, ito yung normal na nararamdaman ng isang tao.”

“Bakit mo naman nasabing pwedeng malungkot ang isang taong malapit nang mamatay?”

“Simple lang. Sa tingin ko kaya malungkot silang mamamatay kasi hindi na nila matatapos ang sinimulan nila. Pero feel ko isa pa din itong ilusyon. May mas malalim pa silang dahilan. Ang sunod na layer siguro ay nanghihinayang sila kasi kung kelan na malapit na silang mamatay, ngayon lang nila nalaman yung bagay na dapat nilang ginawa nung malakas pa sila para lang sumaya. Pero higit sa lahat, ang pinakamalalim na dahilan kung bakit sila malungkot na mamatay ay wala na kasing ibang tao na magtutuloy ng nasimulan nila. Paano? Naniniwala kasi sila na siguro mga isang taon lang after nila mamatay, makakalimutan na sila ng mga tao kasi hindi naman nagkaroon ng impact sa mundo ang buhay niya. Doon lang nila narealize na kahit buhay pa sila, mukha na pala silang patay kasi hindi man lang naramdaman ng ibang tao ang kabuluhan ng kanilang buhay.”

Dahil sa monologue ni Arielle, napako tuloy ang paa ni James sa semento. Hindi alam ng lalaki kung saan naman nakuha ni Arielle ang pinagsasabi niya. Namatayan kaya siya ng kapamilya niya? Napansin naman ni Arielle ang reaksyon ng lalaki.

“Oh bakit naman? Grabe ka maka-react ah,” puna ni Arielle.

“Eh kasi naman,” sabi ni James. “Grabe naman kasi yang symposium mo. Hindi ko nga alam kung saan mo nakukuha yang idea mo eh! Akala ko aasarin mo lang ako kasi ginaya mo pa yung pagbibilang ko ng scenario!”

“Wala lang, napapansin ko lang kasi sa paligid na ganun ang nangyayari sa isang tao.”

“So papano naman yung isa? Ano yung nakikita mong reality dun sa mga taong masaya at mamamatay na sila?”

Saglit na napaisip si Arielle bago siya sumagot. “Simple lang din yan,” panimula niya. “Para sa akin kasi ang naka-surface na illusion na ginagawang rason ng tao ay sa wakas matatapos na ang pahihirap nila. Especially sa mga taong may sakit. Nagpapasalamat sila kasi sa wakas, mamatay na din sila which I believe na may taong ginawa nang realidad ang ilusyon na ito. Pero may mga tao din na may mas malalim pang dahilan. Ang kanilang dahilan ay kuntento na sila sa naging buhay nila. Ganun lang ka-simple. Kasi nagawa nila yung gustong mangyari sa buhay nila. Kuntento na sila sa kinahinatnan nila. At bilib ako sa mga ganitong tao kasi bihira ang taong nakukuntento sa buhay diba? Yan yung dating pinaniniwalaan kong idea pero may natuklasan pa akong isang dahilan. In fact, eto yung pinaka malalim na layer ng reality na konting-konti lang ang nakakakita. Sila yung mga taong masayang mamamatay kasi naniniwala silang may magtutuloy ng sinimulan nila. Kagaya ni Rizal. Wala siyang hesitation na mamatay kasi naniniwala siyang ipaglalaban natin kung ano yung sinimulan niya, which is yung kalayaan.”

“Wow. Grabe ang galing naman niyang idea mo. May point ka naman,” sabi ni James. “Kaya pala nag-segue ka pa ng kanta ng The Script para lang masingit yan ah.”

“Hindi naman sa ganun, pero pwede na din. Kaya kung mamatay man ako, gusto ko yung may impact sa mundo ang buhay ko,” sambit ni Arielle.

“Wala namang mali dun. Pero sa akin lang, bago mo isiping mamamatay ka, isipin mo muna kung papaano ka mabuhay. Gusto mong magkaroon ng impact sa mundo? Pwes, mabuhay ka. Ipakita mo ito sa mga taong buhay pero nagpapatay patayan kung anong ibig sabihin ng buhay. Para hugutin nila yung sarili nilang binaon nila sa hukay nila,” matalinhagang sabi ni James.

Tawa na lang ang sinagot ni Arielle kasi wala naman talagang mali sa sinabi ng lalaki. Dahil sa pagtawa ng babae, napatawa na din James kasi ang seryoso nila masyado kaya napapatingin sa kanila ang ibang mga tao. Kaya napag desisyunan nilang umalis dito sa Fort at tuluyan na silang naglakad-lakad kung saan sila dadalhin ng kanilang mga paa.

Saglit silang tumigil sa isang karinderya sapagkat biglang umulan. Tahimik lang nilang pinagmamasdan ang patak ng ulan. Maya-maya pa’y umalis na sila sa pwesto nila at patuloy na silang naglakad hanggang makarating sila sa Magallanes Drive.

Hindi nila ininda ang paminsan-minsang pag-ambon, ang pagkakaroon nila ng paltos, ang mabahang lakarin sapagkat nandyan ang minsan nilang asaran kaya hindi sila nabuburyo at nandyan din ang paminsan-minsan nilang pagkuha ng litrato sa mga natitipuhan nilang lugar.

Bigla na lang natawa si James kaya naman pinansin siya ng kausap niya.

“Oh. Ano na namang naiisip mo?” tanong ni Arielle kay James na patuloy pa ding naglalakad kaya sinundan niya ito para marinig ang sinasabi ng lalaki.

“Ang layo na ng nalalakad natin, wala pa din akong maisip na isusunod na example ko para sa theory ko.”

“Sus. Akala ko naman kung ano. Malay mo, habang naglalakad tayo sa daan ng buhay, makakakita ka pa ng halimbawa sa theory mo,” makahulugang sagot ng babae.

Bigla tuloy napaisip si James sa sinabi ni Arielle. “Ano nga kaya ang bumubuo sa daan ng buhay kaya lahat tayo nagpapatuloy dito?”

“Baka mga sasakyan, traffic enforcer, stoplight, at traffic cones,” pang-aasar ni Arielle.

Hindi pinansin ni James ang pambabara ng kausap nito bagkus ay nagsalita siya ng, “Symposium No. 3.”

Halata sa mukha ni Arielle na hindi makapaniwala sa sinabi ni James. “So ano namang idea ang naiisip mo? Ano, parang asphalt lang ata yang sasabihin mo eh.”

“You could say that,” nakangiting sagot ni James. “Kung mas madali mong maiintindihan kapag asphalt ang sinabi ko eh. Why not diba?”

“So ano namang mga layers ng reality ang meron sa illusion ng daan ng buhay?” pag-uusisa nito.

Nag-isip muna ang lalaki bago siya sumagot. “Normally sa daan ng buhay natin ang dulo ay yung ating pinaka-minimithi, ang ating goals, at ang ating katapusan. Pero ano nga ba ang mga layers ng daan na yan at patuloy pa din tayong dumadaan? Siguro ang pinaka unang layer na madalas napapansin natin sa journey natin ay nagre-represent ng literal na daan lang. Parang mabubuhay ka lang. Tatapusin mo kasi inutos lang sayo. Wala kang choice na maglakad sa daan ng buhay mo kasi nagising ka kaninang umaga. Iyan ang ilusyon na madalas nakikita ng isang normal na tao. Pero kung gagamitin mo ang iyong mata, meron pang mas malalim na layer, which is the experience.”

“Ha? Hindi kita gets.”

“Simple lang, yung mga daan natin sa buhay ang nakikita natin ay ang mga failures, tapos mga failures pa ulit bago dumating sa success. Madami pang mga failures bago lang tayo dumating sa success na matagal nating inaasam. Yun yung experience.”

“Eh talaga namang ganun diba? Kailangan nating magkamali para tumama. Kailangan nating mag-fail para mag improve. Kailangan natin mag-improve para maging successful. In fact, dahil sa mga experiences mo kaya ka nagkakaroon ng will para mag move forward eh. For sure, lahat ng tao nakikita yun.”

“Yes, lahat tayo nakikita natin ang experience pero hindi naman natin ito napapahalagahan. Nakita mo na merong hindi pantay sa dadaanan mo at dati ka nang natapilok dun pero anong ginawa mo? Wala. Dun ka pa din dumaan. Tapos magrereklamo ka kasi ang sakit ng paa mo dahil natapilok ka ulit. Nag-conclude lang tayo sa nangyari sa atin based from experiences. I tell you, conclusion without application leads to frustration.”

“Fine. So meron pa bang mas malalim na layer?”

“Oo meron. In fact, eto talaga yung layer na dapat talaga natin ma-appreciate ng lubusan. Ang pinakamalalim na layer na dapat nating maintindihan ay ang decisions. In fact, ito talaga ang nagtutuloy ng buhay natin. Ito yung literal na bumubuo ng daan natin eh. Kasi never ka makakapaglakad sa journey mo kung wala ka namang decision na gawin dito. Nasabi kong ito yung pinakamalalim na reality sa daan natin kasi gusto kong makita natin kung gaano kahalaga ang decision sa buhay. Oo, madami tayong mga problema. Ang totoo, nagkakaroon na tayo ng paltos kakalakad natin sa buhay eh. Nadadapa na tayo kasi hindi pantay ang daan. Natatapilok na tayo kasi may bato tayong hindi nakikita. Lumulubog na tayo kasi mababa na pala yung daan kaya mabaha na. Pero dahil sa decision mong magpatuloy, wala lang yun. Tutuloy ka pa din. Kasi desisyon mong magpatuloy eh,” litanya ni James.

Saglit na nanahimik ang babae bago siya nagsalita.

“Very well said,” sabi ni Arielle habang naglalakad sila papalapit sa isang tindahan. “Tutal. Napag usapan na din naman natin ang kahalagahan ng decisions, may tanong ako.”

“Go ahead. Humor me,” pang aasar ni James.

“Paano mo masasabing mali ang desisyon na nagawa mo?”

“Kapag pinagsisihan mo?” Umiling si Arielle. “Papaano?” tanong ng lalaki.

“Masasabi mong mali ang desisyon mong ginawa kapag hindi mo ito pinanindigan.”

“Ha? Hindi kita maintindihan.”

“Palagi kasi nating nalilimitahan ang desisyon natin sa tama o mali, kaliwa ba o kanan, taas ba o baba, at mabuti o masama. Nakakulong na lang palagi sa dalawang choice. Kaya yung ibang taong mga nagkamali dati, hindi na nila maitama yung pagkakamali nila. Iniisip nilang nagkamali sila, wala na. Huli na sila. Kaya doon ko masasabing naging mali ang desisyon nila. Magkamali ka man? Panindigan mo. Accept the consequence,” pagpapaintindi ni Arielle.

Nanatiling tahimik si James kaya nagpatuloy ang babae sa pagsasalita. “Those people who are ‘perfect’ can make mistakes. And they will make mistakes. Those people who are ‘failure’ can improve. And they must improve. Whether we are good or bad, it will not depend on everyone’s circumstances, nor our mistakes. Because in the end, the circumstances of one’s life will not define us. It is our decision that makes us who we are. We know who we are. We’re the only one who can decide who we can become,” pagtutuloy ni Arielle.

Napanganga na lang si James sa pagsasalita ni Arielle. Kaya patuloy na lang silang naglakad hanggang makarating sila sa harap ng museo. Doon na lang naka-recover si James at nagsalita.

“Nagkamali ka na ba sa mga decision mo sa buhay mo?”

“Oo naman. A lot of times. Eto naman parang hindi tao,” sagot ni Arielle na nagpatawa sa kanilang dalawa. At doon na tuluyan nilang na-absorb ang pinagsasabi nila sa isa’t isa.

Medyo nanahimik sila sapagkat may mga taong nag-iingay malapit sa San Agustin Museum. Muntik na nga silang makiusyoso sa mga nakapaligid na tao eh. Buti na lang may isang ale na nagtsismis sa kanila na meron daw muntik masagasaan sa pwesto na iyon. Kaya hinayaan na lang nila ang mga taong mag-tsismisan doon at pumasok sila sa loob ng museo, kung saan mas kakaunti ang tao.

Habang tinitingnan nila James ang mga litrato sa loob ng museo, napansin niyang biglang naging balisa si Arielle.

“Oh bakit ka naman dyan nanahimik,” pag-usisa ni James.

Ilang minutong katahimikan ang sagot ni Arielle bago siya ngumiti bago siya magsalita ng, “May tanong ako. Mahilig ka bang magbasa ng libro?” Napailing naman ang lalaki saka nagsalita ulit ang kausap niyang babae ng, “Alam mo ba kung bakit mabenta sa mga tao ngayon ang mga fiction na book? Yung mga sci fi, yung mga Rom-com na libro, mga superhero, at higit sa lahat yung mga fairytale na libro kesa sa mga life stories?”

“Oh bakit naman?” interesadong tanong ni James.

“Siguro gawa ng stress na sila sa buhay nila. Naghahanap sila ng scapegoat. Outlet na siguro nila ang mga ganyan eh. Mga takot sa makatotohanan. Nabuhay na nga sa fiction, isinabuhay pa ang fiction.”

“Eh ganun naman kasi talaga. Stress ka na nga sa buhay mo tapos mai-stress ka pa sa pinapanood at binabasa mo where in the first place, kaya ka nanonood kasi gusto mong mawala yung stress. Tsaka sakit na ng tao yan eh. Kaya minsan, mas nag-iistick ang tao sa fiction kumpara sa non-fiction. Kasi kapag fiction may thinking ka na, ‘hindi naman ito totoo’ kaya kung masakit na, ipa-pause mo lang ang movie or titigil ka na lang magbasa. Pero kapag non-fiction na, mas mararamdaman mo yung sakit kasi alam mong nangyayari ito. Wala kang magagawa para biglang mawala ito. Real life eh, heighted ang emotions,” pagdedepensa ng lalaki.

“Symposium No. 4,” pagbibilang ni Arielle. Nagtaka naman ang lalaki sa sasabihin ni Arielle. Wala naman kasing tanong si James tapos biglang may sasabihin ang babae sa kanya. Pero hinayaan naman ni James na magsalita ang kausap niya.

“Wala namang mali sa pagtangkilik sa fiction man o sa non-fiction. Pero ang sa akin lang, huwag nilang gawing standard ang fairytale na napapanood at nababasa nila,” panimula ng babae. “Kaya mas mataas ang quality ng isang indie film kesa sa commercial film kasi mas makatotohanan ang indie. Paano ko nasabing standard? Ginagawa na kasing fairytale ng tao ang buhay nila. Yung buhay na parang too good to be true na buhay. Ang ending, conscious or unconscious silang nag-aassume na ang buhay nila ay isang fairytale. At sinasabi ko sayo, ito ang isa sa mga illusion na ginagawa ng tao kung saan madaming napapaniwala ng kalokohan na ito. At kung ire-relate ko ang theory mo dito, I can say that the reason why this illusion become so much powerful is because we want to believe we all have a fairytale type of life. Ayaw nating i-accept ang realidad ng buhay kung saan may nasasaktan, kung saan hindi natin kayang makuha lahat nang gusto natin, kung saan maiinis ka na lang kasi magugulat ka na sa mga nangyayari at kung saan may namamatay.”

Saglit na napatingin si James sa paligid bago siya nagsalita. “Saan mo naman nahugot dito yan?”

“Wala lang. Napansin ko lang kanina sa commotion sa labas. Kasi parang gulat na gulat silang may muntik nang masagasaan kanina. Hello. Lahat tayo mamatay.”

Halata naman sa mukha ni James na hindi siya naniniwala sa sinasabi ng babae pero hindi lang siya nagsalita ulit. Nakalampas na sila ng ilang mga exhibit ng biglang nagsalita si Arielle. Siguro hindi nakatiis ang babae sa huli niyang nasabi.

“I’m dying,” walang kalatoy-latoy na sabi ni Arielle.

Akala ni James nabingi lang siya sa ingay ng sirena ng ambulansya na dumaan pero naging kumpirmasyon sa kanya ang mukha ni Arielle para malaman niyang tama siya ng pagkakadinig. Tanging mahinang, “How?” na lang ang nasabi niya.

“Last year, I was diagnosed with leukemia. Walang sinabi ang doctor kung kelan nga ba ako mamatay kasi nakadepende sa edad kung kelan nga daw yung the end ko. Hindi na din kasi ako nanghingi ng second opinion sa iba pang doctor. I kind of accepted my fate. Mababaw ba? Tsaka natatakot talaga ako sa ospital eh. Masyadong depressing. Lulubusin ko na lang ang buhay ko diba? Kesa naman mag-chechemotheraphy pa ako, nakaratay lang sa ospital. At least mas mapapahalagahan ko na lalo yung buhay ko diba? Lahat naman kasi tayo mamatay din diba? Ang perks ko nga lang, mas maaga kong narealize kung gaano kahalaga ang buhay,” sabi ni Arielle na nakangiti. Pero kahit anong ngiti niya, halatang-halata naman ang pighati sa ilalim ng mga ngiti niyang yun.

 

Ano nga ba ang dapat na isagot dito?

 

Nasagot ang tanong ni James sa sarili niya nang biglang nagsalita ulit si Arielle. “Alam mo ba, before kong malaman ang sakit ko, ang saya-saya ng buhay ko. Ang simple niya, pero masaya talaga. Then after ng pagkaka-diagnosed sa akin, something hits me. Nasa comfort zone pala ako dati at kinakailangan palang basagin ng mga pagsubok ng buhay ang comfort zone ko. Dahil sa problema, magigising ka sa katotohanan. Ang ironic lang kasi nung nalaman ko kung ano ang papatay sa akin, mas lalo naman akong nabuhay gawa nito. I realize that my situation is much better than others. Ang iba, araw araw na parang mamatay na kasi wala silang makain, ang iba naman namatayan, at iba naman, may mga problema na mas malala kumpara sa akin. I have no right to complain. And going back, yung mga taong nabubuhay sa fairytale nilang buhay ay todo reklamo sa mga problema nila. Malamang, mas pinili nilang paniwalain ang sarili nila na may mala-fairytale tayong buhay eh. Magugulat kasi nahihirapan sila sa buhay? Magugulat kasi hindi nila ine-expect ang nangyari sa buhay nila? Newsflash people: hindi mo mararamdaman ang kasiyahan kung walang kalungkutan. Hindi mo malalaman ang sarap kung walang sakit. At higit sa lahat, hindi mo malalaman ang comfort kung walang discomfort. Yes, kasama sa buhay ang comfort zone. Yun nga lang, zone lang siya. And the reality is that… ang tunay na buhay ay nasa labas ng comfort zone.”

“Ang buhay ay isang giyera. Lalaban ka para mabuhay. Walang sense lumaban kung walang lalabanan. Tama ba?” tanong ni James pagkatapos niyang manahimik ng ilang minuto sa sinabi ng babae.

“Tama naman. Basta hangga’t maari, lumaban ka para malaman mo ang halaga ng buhay,” nakangiting sagot ni Arielle.

Hindi alam ni James kung anong sasabihin niya sa kausap niya pagkatapos noon. Iko-comfort ba niya? Tatanungin ba niya? Pero ang pinakapumipigil sa kanyang magsalita ay ang itsura ng kausap niya na halatang hindi sasagot sa lahat ng tanong na konektado dito. Kaya tahimik na lang silang naglakad sa loob ng museo. Maya-maya pa ay umalis na sila sa loob sapagkat dumadami na ulit ang mga tao dito.

Matagal na nanahimik ang dalawa sapagkat iniisip ba nila kung tama ba dapat na pag-usapan yung kanina. Masyado ata silang naging insensitive.

Nagulat na lang si Arielle nang biglang nagsalita si James. Akala nga ni Arielle nung una imahinasyon lang niya ang boses na nadinig niya.

“Kung saan-saan tayo nakakapunta, iikutin lang pala talaga natin ang Intramuros,” puna ni James.

“Oo nga eh, hindi ko inexpect na makakatagal ako na kausapin ka. Partida hindi ko pa din alam ang pangalan mo ah.”

“At least alam nating effective talaga yung sinabi sa book kanina diba? Haha.”

“Yeah, about that. Gusto ko lang mag-sorry kasi nag-brought up pa ako ng ganung topic. Nakasira tuloy ng mood,” paghingi ng babae ng pasensiya.

“Ay wala yun no. Ako lang talaga ang nagpa-awkward eh. Sorry ah. Hindi ko lang kasi alam kung papaano magre-respond sa ganun.”

“Sus. Haha. Okay lang yun. Mas appreciated ko pa nga yung ganun eh kesa naman marinig ko yung, ‘kawawa ka naman’ spiel nila. At least hindi ako naumay diba?” nakangiting sabi ni Arielle.

“Pero wag ka, talagang maiikot na natin ang Intramuros oh. Nandun lang yung Casa Manila eh. Punta kaya tayo dun oh.”

Pumunta na nga sila sa may Casa Manila at napansin nilang madami tao. Dahil dito, napilitan silang mag-antay sa labas para naman mas umunti ang mga bisita sa loob ng Casa. Yun nga lang, wala silang magagawa ngayon kung hindi mag-usap.

“May naalala ako,” panimula ni James. “Last year may tinanong yung kaibigan ng ate ko.  Tinanong niya ako kung bakit daw ba humuhugot ang isang tao. Wag ka, biglang tanong niya yun habang nanonood kami ng NBA ah. Hindi nga namin alam kung saan niya nakuha yun eh.”

“So anong sagot mo?”

“Actually wala akong naisagot dun. Pero kasi sobrang may sense yung sinabi niya. Sabi niya, ‘kaya humuhugot ang tao kasi hinuhugot nila ang kutsilyong sinasaksak sa kanila ng mundo. Conscious or unconscious man sila‘. Amaze na amaze ako sa kanya. Kasi iba din kasi siya magsalita eh. Pero alam mo ba, ngayon may maisasagot na ako sa kanya. Sasabihin ko sa kanya, ‘baka kaya humuhugot ang isang tao kasi hinuhugot nila ang sarili nilang binaon sa lupa ng kanilang paghihirap. Sinasabi nila ito as a joke or as a drama para manghingi sa ibang tao ng tulong kasi sa totoo lang, hindi na talaga sila makahinga sa pagkakabagsak nila sa ilalim ng kanilang buhay.‘”

“Your point?” malumanay na pagkakatanong ni Arielle kahit alam niyang may kirot sa kanya nung marinig niya yun.

“Siguro, may mga panahon talagang hindi mo alam pa ang sagot sa tanong mo. Pero dadating ang panahon na iikot ang tadhana mo at malalaman mo ang sagot sa hinahanap mo ay ang eksaktong tanong sa iyo. Magulo diba? Pero ganyan kasi talaga ang buhay eh, paikot-ikot. Literal talaga, kasi malilito ka pa at papaikutin ka pa para lang mahanap mo ang hinahanap mong sagot sa mga tanong mo. Ang tagal ko bago makamove on sa tanong niya ah.”

Napatingin naman si Arielle sa kausap nito kung nauntog ba ang lalaki sapagkat nagsisimula na siyang maguluhan sa sinasabi ni James.

“Bakit nga ba mahirap magmove on?” natanong na lang ng babae.

Saglit na nag-isip ang lalaki bago siya sumagot ng, “Symposium No. 5.”

Natawa naman si Arielle kasi akala niya tapos na sila sa pagbibilang. Natigil na lang ang tawa niya ng biglang mag-iba ang mukha ni James.

“Hindi naman talaga mahirap magmove on. Sadyang yan na lang ang pinaniwalaan nating illusion. Kasi alam mo ba ang katotohanan dito? Kaya lang naman tayo nahihirapang magmove on kasi takot tayong magmove on. Simple as that. And alam mo ba kung bakit takot tayong magmove on? Kasi natatakot tayong mawala yung memorya na kung saan may nag-eexist na identity natin sa panahon na iyon, unconsciously, binabantayan natin ang memoryang yon kasi baka mag-iba na talaga tayo. Kasi ayaw nating aminin sa sarili natin, ayaw nating umalis sa panahon na yun. Masaya man o pangit. Masarap man o masakit. Kasi doon natin na na-justify na meron palang nag eexist na ‘tayo’ dun,” sabi ni James. Napansin ni Arielle na pinipigilan ng lalaki ang magsalita.

“Tapos? Talagang binitin mo ako ah. Haha.”

“Haha. Sorry. I know paikot-ikot ako dito, pero kailangan natin talagang magmove on kahit masaya man yan o malungkot, para magpatuloy naman ang pag-ikot ng mundo mo.”

Napaisip naman si Arielle sa sinabi ni James. May punto nga naman siya.

“Kung sa bagay,” sabi ng babae. “Para sa akin kasi na-realize ko nung nagmove on ako na kaya pala na maging maganda ang buhay. Mas naapreciate mo yung ilang segundo, minuto, oras, o taon na natitira sa buhay.”

“Tama! Paikot-ikot lang kasi ang buhay. Pag nakapagmove on ka na, learn to appreciate life. Hindi lahat nagagawa yan. Mare-realize mo na nga lang na mahalaga ang buhay kapag mauubos na ito. Kaya nga ako nalulungkot sa mga taong nade-depress tapos nagpapakamatay eh. Maraming taong gustong mabuhay pero hindi na kaya ng katawan nila, ang iba may sakit, ang iba naman matanda na. Ang mga nade-depress na tao ay naloloko ng ilusyon. Ilusyon na kung saan kapag nagpakamatay, mawawala na yung sakit. Salamat sa ilusyon nila, hindi nila mapapansin na dahil sa sakit nilang nararamdaman, sila’y  magpapakamatay at maipapasa lang nila yung sakit na yun sa ibang tao. Suicide is just passing to someone else the pain of a suicidal. Ang buhay ay isang pribelehiyo, yan ang nakakalimutan ng mga taong nabulag sa ilusyon na nakabalandra sa kanila.”

“Siyempre kailangan nating maintindihan na ang mga suicidal na tao ay naghahanap ng mga kakausap sa kanila diba? Ang iba kasi talaga naghahanap ng makakaintindi sa kanila,” pagdadagdag ni Arielle.

“Oo naman. Kaso alam mo ba ang isa pang realidad na hindi natin napapansin? Kapag kasi suicidal ka, takot kang mag-isa, or better yet maiwanan ng iba. Kaya anong susunod nating gagawin? Magrereklamo tayo sa buhay kasi iniiwan tayo. Kaya anong solusyon natin? Pilit tayong naghahanap ng taong makakaintindi sa atin para hindi tayo iwanan. Hindi natin alam, binabalewala lang natin yung mga tao na hindi tayo iniiwan kahit hindi tayo maintindihan. Tayo ang unang nang-iwan.”

“Sino ba ang nang-iwan sa iyo?” tanong ni Arielle.

“Haha. No comment. Lahat naman kasi tayo nang-iiwan or iniiwanan. Pero alam mo ba, hindi lang naman kasi iisang beses akong naiwanan? Halos mabaliw ako kasi paulit-ulit na. Pero nagpapasalamat ako at nabaliw ako kung hindi, hindi ko malalaman na baka kaya hindi nagbabago ang sitwasyon kasi ang may kailangang baguhin ay ang puso ko. If you want something you never had, then do something you haven’t done. And guess what, I have done something that really change my situation. Ngayon, natutunan ko na kung bakit nga ba ako naiiwanan. At alam ko na din ang dapat na gawing solusyon dito,” hugot ni James.

“And that is?”

Hindi muna sumagot si James. Tumayo muna siya at pumasok sa loob ng Casa Manila. Sinundan naman ni Arielle ang kausap niya.

“Secret,” sagot ni James. “Gusto kong ikaw mismo ang makahanap ng sagot sa tanong na yan. Kasi pag nahanap mo na yung sagot, mas ma-appreciate mo ito lalo kasi nahirapan kang maasam ang sagot dito.”

“Baliw ka talaga. Haha”

Natawa naman silang dalawa sa pinagsasabi nila. Parehas na sigurong sabaw sa mga pinagsasabi nila at dahil na din siguro sa pagod ng paglalakad. Nagmasid lang sila sa loob nang hindi nag-uusap. Siguro kasi si James ay kumukuha ng litrato. Si Arielle naman ay pinagmamasdan ang mga display dito.

Ilang saglit pa ay nagsimula na ulit silang maglakad palabas, kung saan dire-diretso papalabas si James na halatang di mapakali kasi parang may gusto siyang sabihin at si Arielle naman ay parang nakaramdam ng pagsisisi sa mga sinabi niya kanina. Dahil sa wala ang isip nila sa paglalakad, nagulat na lang sila at nakadating sila sa Bahay Tsinoy.

“Uy, bakit pala tayo nandito?” natatawang tanong ng babae kay James.

“Ewan ko din eh. Dito siguro ako dinala ng paa ko,” makahulugang sagot ng lalaki. Hindi tuloy alam ni Arielle kung anong ibig sabihin.

“Ano ba yung ib-“

“May tanong ako,” natanong bigla ni James.

“Ano yun?”

“Bakit ganun ang tao? Bakit kina-kailangang manakit ng ibang tao porket nasaktan din sila? Bakit kailangang may gantihan? Kapag badtrip ang isang tao,nang-babadtrip din sila ng iba. Pero kapag masaya ang isang tao gusto nila sila lang ang masaya?”

“Hindi ko din alam kung bakit may ganyan eh. Pero na-realize ko lang siguro na sayang ang panahon ko sa mga ganyan. Malapit na nga akong mamatay tapos iisipin ko pa yan? Mas masahol ang pag pag-iisip ng ganyan kesa sa ginagawa ko ngayon no. Mas okay nang mamatay ako ng walang iniisip kesa sa ganyan diba?”

At dahil dun sa sinabi ni Arielle, doon na nasigurado ni James na tama nga ang mga napapansin niya kanina pa sa babae.

“Ah,” sabi ni James. Natakot bigla si Arielle sa tipid na sagot ni James. Partida ah, wala siyang sinabing hugot o ano, pero may naramdaman siyang masakit sa sinabi ng kausap niya.

“Bakit ganyan ang tono mo?”

“Wala lang.”

“Ngayon ka pa talaga naglihim sa akin ah.”

“Ako nga ba talaga ang naglilihim sa ating dalawa?” kalmadong tanong ni James.

Mas lalo tuloy siyang nalito sa lalaki kasi hindi naman niya alam kung ano ba talaga ang gustong sabihin sa kanya ni James.

“Look, I know we barely know each other. And I’m sorry kung medyo makulit ako. Okay lang naman kung hindi mo naman sa akin sabihin eh,” nahihiyang sabi ni James.

Mas lalo namang nalito si Arielle sa sinabi niya. Parang kanina lang nagkakaintindihan sila kahit ganoon na kalalim ng pinag uusapan nila pero ngayon, bigla na lang siyang hindi makaintindi sa kanya.

“Seriously, ano ba yung sinasabi mo? I really have no idea to what are you talking about.”

Tumingin si James sa kausap niya. Akala niya nagde-deny lang ang kausap niya pero napansin niya lang ang mata ng babae na wala talaga siyang idea sa sinasabi ni James.

“Alam mo ba, lahat ng napag-usapan natin kanina ay mga scenario kung saan nagpapakita kung anu-anong mga layer ng reality ang meron sa isang ilusyon. Hindi mo ba naisip kung bakit parang ang lakas-lakas ng kapangyarihan ng ilusyon to the point ang daming naniniwala dito?”

“Oo nga no? Bakit nga kaya?”

“Alam mo ba ang term na misdirection? Ginagamit yun madalas sa magic. Actually dahil sa misdirection kaya nakakagawa ang magician ng magic. Nililipat nila yung focus ng tao sa object sa halip na sa kamay nila. At ang totoong magic sa isang magic show ay hindi doon sa mismong object, kundi dun sa paglilipat nila ng attention to the point na hindi aware ang audience na nalilipat ang attention nila. Ganun din sa mga ilusyon sa ating buhay. Kaya nagiging malakas ang epekto sa atin ng illusion kasi hindi natin alam, nasa ilusyon na pala tayo at matagal na tayong namimisdirect.”

Hindi naman nakaimik si Arielle sapagkat halata sa mga mata ni James na siya talaga ang pinapatamaan nito. Gusto man niyang sumagot, yun nga lang hindi naman siya makabuo ng salita niya.

Nagsalita ulit si James ng isang pangungusap na kung saan kahit si Arielle ay hindi makapaniwala. Narinig ni Arielle ang isang pangungusap na kung saan ay ayaw niya itong aminin sa kanyang sarili.

“Hindi naman sa pagiging judgemental o ano ah. Pero dahil napansin ko lang sa mga mata mo, sa mga ngiti mo, sa mga sinasabi mo, at sa mga response mo sa akin, may narealize lang ako. Na-realize ko lang na oo nga, alam mong may sakit ka, pero hindi mo naman ito tanggap. Hindi mo tanggap sa dinami-dami ng tao, ikaw pa ang nagkaroon ng ganyang sakit.”

Gusto mang tumanggi ni Arielle kaso hindi niya magawa. Siguro gawa ng tama ang sinasabi ng lalaki. Siguro gawa ng ngiti ni James habang sinasabi niya kanina na nagpaalam sa kanya na meron palang ngiti ng kalungkutan. Siguro sadyang nalilito siya. Siguro mas inaalala ni Arielle ang pagpipigil niya ng luha kaya hindi na siya makaporma ng sagot. Kaya nilubos naman ni James ang pagsasalita niya kasi hindi niya maatim na may taong naloloko.

“No offense ah. I may be wrong pero nung una kasi hindi ko pa napapansin. Pero nagsimula ka kasing maging defensive sa Fort kanina, na kung saan sinasabi mong gusto mong mamatay ka ng kabuluhan. Kaya nagsimula na akong mag-read between the lines sa mga sinasabi mo.”

“Gaano ka ka-sure na tama ang sinasabi mo?” natanong ni Arielle.

“Hindi ko alam pero kaya ako nagtatanong ngayon eh. Kasi oo nga, ang lalim ng idea mo, pero pansin na pansin ko naman na iba ang sinasabi ng mata mo. Parang sinasabi ng mata mo sa akin na baka hindi mo kayang panindigan ang nagawa mong desisyon. Baka kaya hindi ka takot mabuhay kasi takot kang mamatay. Baka kaya nagpapaikot-ikot ang nararamdaman mo ngayon kasi hindi ka pa din sigurado kung ito ba talaga yung gusto mong daanan sa buhay kaya nanatili ka na sa rotonda. Baka kaya ka takot magmove on kasi natatakot kang mali yung nagawa mong desisyon. Baka kaya ayaw mong mahusgahan kasi takot kang malaman ng ibang tao kung sino ba talaga yung totoong Arielle na lumubog sa pagsubok ng buhay,” saglit na tumigil si James saka siya nagsalita ulit. “Eto, isipin mong mabuti kung anong isasagot mo dito ah. Sa tingin mo ba, kaya mo ba napag-isipang maglakad lakad kasama ako ay para malaman talaga ang realidad ng buhay o para manghingi ng kumpirmasyon na lahat ng pananaw mo kanina ay isang ilusyon lang because you’re afraid that there really is a realm of reality yet you’re not in there?” tagos sa pusong tanong ni James.

Hindi na tuloy alam ni Arielle kung anong isasagot niya, kaya nagsalita ulit si James na tumulong sa kanyang sumagot kung anong totoo.

“This may sound so offensive and harsh pero gusto ko lang na malinawan ka. Alam mo ba kung anong kinaibahan mo sa isang nag-suicide na tao? Sila nagpakamatay. Ikaw inaantay mo na lang ang sarili mong mamatay. Malaking pagkakaiba pero parehas lang ang pupuntahan. Parehas lang masasayang ang buhay niyo. Ang kinaibahan lang ng sa iyo, mas ramdam mo pa yung panghihinayang kesa sa kanila, kasi sila patay na. Ikaw buhay nga, pero nagpapanggap na patay. May chance ka pang baguhin ang dapat baguhin kaso natatakot kang gumawa ng choice. Ginawa mo pang ilusyon ang mga malalalim na sinabi mo kanina. Kasi sa totoo lang, at feel ko takot ka lang na aminin na yes malalim nga ang mga sinabi mo, pero mababaw naman ang ginawa mo. Pero sinabi ko nga, may choice ka pa. Choice mo kung aalamin mo pa din kahit masakit. Choice mo kung aalamin mo kahit mahirap. At choice mo kung aalamin mo talaga kung ano yung totoo.”

Nanahimik si Arielle sapagkat parang kutsilyong sumasaksak sa kanya ang mga pinagsasabi ni James. Kung tutuusin mag-wawalk out na siya kanina pero may kakaiba kay James. Oo, pinakita nga ni James ang pagkakamali niya, pero at the same time pinakita din niya kung paano pa maitatama ang pagkakamali ni Arielle. Kinakailangan niyang bumalik sa isang desisyon na ginawa niya dati na ayaw niyang aminin na mali siya. Ang galing lang kasi nabasa agad ng lalaki kung anong mali sa kanya. Ang ironic nga lang kasi isang estranghero pa talaga ang nagpakilala sa sarili niya.

Sa unang pagkakataon, napangiti si Arielle na hindi salungat sa kanyang mata. Napansin naman yun ni James at natawa siya. Napatawa na din tuloy ang babae sa kanya.

“May tanong ako. Why do you even care at my dilemma? Hindi nga tayo close eh, hindi din tayo magkakilala. Hanggang ngayon nga hindi natin alam ang pangalan ng isa’t isa. Why do you care so much?”

Napangiti na lang si James sabay sabi ng, “Bakit? Malamang! Kasi parehas tayong tao. Hindi makakaya ng konsensiya ko na merong isang taong halos isang araw ko nang kausap na wala man lang ako maitutulong. Tsaka matapang akong makakapagsabi na hindi ko man alam ang pangalan mo, mas nakikilala ko naman ang pagkatao mo. Paano? Mas nakilala kita sa mga problema mo at kung papaano ka na magre-respond sa problema mo eh.”

“Naniniwala ka talagang tama na ang susunod kong gagawin?” hindi na tuloy naitago ni Arielle ang alinlangan niya.

“Oo naman. We may be knocked down, but we get back up. Makakaya mo yan. Kung ano man ang mangyaring desisyon, matutong lumaban. Ipaglaban mo ang katotohanan. Kasi ang katotohanan, hindi lang basta hinahain, hinahanap at pinaglalaban ito. At kung malaman mo man ang katotohanan, mag-respond tayo base sa kung ano ba talaga ang tama.”

Natawa naman sila sa sagutan nila. Maya-maya pa’y umalis na sila sa Bahay Tsinoy. Tahimik nilang binagtas ang daan papalabas ng Intramuros. Kung sabagay, nag-aantay sa kanila ang daan ng buhay sa labas ng malaking pader ng Intramuros. Sa unang pagkakataon, sumakto ang katahimikan na iyon sa sitwasyon nila. Kasi kung minsan, hindi sapat ang salita para ilarawan ang nararamdaman nila ngayon. Tanging katahimikan lamang ang kayang mag-ingay sa sandaling iyon.

Ilang saglit lang ay nagsimula na silang magpaalam sa isa’t isa. Naunang maglakad papalayo si Arielle nang biglang tumigil siya at humarap siya sa nakatingin din sa kanya na si James.

“Nga pala. May nalimutan akong itanong sa iyo. Napapansin mo ba yung mga taong nahahagip?”

“Ha?”

“Yung mga taong hindi mo naman kilala na nakakasama sa kuha mo? Kamusta na nga kaya yung mga taong photo bomber? Mayaman na kaya sila? Ang amazing kasi nakasama pa sila sa exact moment na kumuha ka. Wala lang, kasi diba, parang kanina lang, bigla lang akong nahagip sa camera mo? Tapos magulat-gulat ka, ako yung kausap mo maghapon. Wala lang, narealize ko lang na you could be a big part of someone else life and not even know it. Minsan kelangan mong gamitin ang matang naghahanap ng realidad sa mundong puno ng ilusyon para lang makakita ka ng mga kaibigang ganun,” masayang sabi ni Arielle.

Natuwa naman si James sa sinabi niya at siya naman ang nagtanong ulit ng, “Saan ka na ngayon pupunta?”

“Sa katotohanan,” nakangiting sabi ni Arielle. Natawa naman si James.

“Babalik ka pa ba dito?” tanong ni James.

“Siguro. Kasi in the first place naman paikot-ikot lang naman talaga ang buhay eh.”

Nakuntento naman si James sa sagot ng babae at doon sila tuluyang naghiwalay.

Mga ilang linggo ang lumipas at kasalukuyang kumukuha ulit si James ng litrato sa may Anda Circle nang napatigil siya at nakita niya ulit si Arielle. Deja Vu ba ito? Siguro nagkataon lang na nagsimula ang kwentong ito sa may Anda Circle at nagkataon din na dito siya dati kumukuha ng litrato. Ang kinaibahan nga lang ngayon ay nakangiting naglalakad papalapit si Arielle sa lalaki. Natawa naman si James sapagkat nakakasigurado na siyang iba na ang kanilang mapapag-usapan ngayon.

Paano siya nakakasiguro? Simple lang. Kasi nakahanda na silang lumaban sa delubyo ng buhay. Nakakasigurado silang hindi nila maiiwasan ang realidad ng buhay. Pero mas nakakasigurado naman silang magpapatuloy sila sa agos ng buhay kahit madapa man sila. Ikaw ba, handa ka na bang harapin ang realidad ng buhay mo?

-END

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s