Destination Series

Destination : Tomorrow’s Questions

DESTINATION Series: PREQUEL

 

Wala talaga sa plano ni Timothy na pumunta ng San Mateo ngayon. Napaka-demanding kasi ng pinsan niyang si Jack eh, pinapadala na nga yung bola ng basketball, nanghiram pa ng jersey. Ba’t di kaya siya manghiram na din sa kanya ng ring at board para instant walking court na siya?

Sobrang out of the way kasi ang San Mateo sa bahay nila. Bakit kasi sa San Mateo pa siya pumapasok? Pwede namang sa kahit saan eh, sa Laguna, halimbawa. Buti na lang wala silang pasok ngayon hanggang sa makalawa dahil may maintenance ang school nila.

“Saan ka na ba?” tanong ni Timothy habang kinakausap niya si Jack sa phone.

“Teka! May klase pa kami. Antayin mo na lang ako sa loob! Sa may quadrangle,” sabi ni Jack sabay baba ng phone niya. No choice si Timothy kaya pumasok siya sa loob ng school nila. Buti na lang, dala niya yung ID ng school niya kaya pinapasok siya ng guard. Ilang minuto niyang hinanap yung quadrangle. Buti na lang, madaming tao dito kaya madali niyang nahanap. Mukha din kasing may event dito. May nakikita siyang limang podium sa harap. Siguro may quiz bee.

“Oh guys, sinong gusto pang sumali? May premyo to oh! Sayang,” sabi ni kuya habang tinuturo ang isang podium na walang tao.

Wala namang pakialam si Timothy sa nangyayari sa paligid niya, ang gusto lang niya ay maibigay sa pinsan niya yung mga dala niya at matulog. Uupo sana na siya sa may bench nang biglang nagsalita ulit yung MC. “Oh si kuyang hindi naka-uniform! Gusto niya atang sumali!”

Napansin naman niyang hindi nga siya naka-uniform at siya yung kinakausap. Tatanggi sana siya kaso may nauna na sa bench na uupuan niya kaya pumunta na lang siya sa harap at pumuwesto sa isang podium. Wala din naman siyang ginagawa eh. Why not, diba?

“Ayan! Okay na tayo! We are Youth On The Rock at ako nga pala si Mondi pero pwede niyo din akong tawaging John Lloyd,” sabi niya na nagpatawa sa mga taong nanonood. Ngumiti siya at tumingin sa mga contestants na nasa podium. “Oh guys, madali lang ang mechanics ng game. Magtatanong lang ako dito ng mga tanong na kung saan na-survey namin sa 100 na tao dito sa campus. ‘Pag nag-green ang podium niyo, pasok na kayo sa next round. Pero kung nag red naman, alis ka na! Mauunang sumagot si Contestant 1 hanggang sa huli. Pagkatapos nilang sumagot, saka mag-faflash ang kulay sa podium. Gets? Ready na ba kayo? Let’s go!”

Ah. Parang Family Feud lang pala. Madali ‘to, isip-isip ni Timothy.

Mondi: Okay 1st Question. Top 10 na tinatanong ng isang estudyante sa sarili nila?

Contestant #1: Ano ang kakainin ko mamaya?

Con. #2: Paano ba ang magmahal?

Con. #3: May assignment ba tayo?

Con. #4: Papasa ba ako?

Timothy: May quiz ba tayo?

Tumingin silang lahat sa kanilang buzzers. Tanging kay contestant #1 ang nag-flash na pula.

Mondi: I’m sorry Contestant No. #1 hindi kasama ang sagot mo. Bawi na lang next time!

Umalis na ang natalong contestant.

Mondi: 2nd Question! Top 10 na hinahanap ng tao sa mundo?

Contestant #2: Pagmamahal!

Con. #3: Pera!

Con. #4: Kasiyahan!

Timothy: Uhm, ang pupuntahan nila?

Wala namang nag-pula sa mga podium nila. Hinulaan lang talaga ni Timothy yung sagot niya. Akala niya nga ay tanggal na siya.

Mondi: Ang tatalino naman ng mga contestants natin! Proceed sa 3rd Round! 3rd Question: Top 10 na sinasagot ng mga estudyante kapag tinatanong sila ng magulang kung saan sila pumupunta?

Contestant #2: Maggagala!

Con. #3: Mag-shoshopping ng damit!

Con. #4: Mag-oovernight!

Timothy: Gagawa ng project sa bahay ng kaklase!

Nang umilaw ang kanilang podium, tanging si Contestant number 4 ang naiiba.

Mondi: I’m sorry number 4, hindi kasama ang sagot mo. See you next time!

Pagkaalis ng natalo, nagsalita na ulit si Mondi.

Mondi: Okay, Tatlo na lang ang natitira. Galingan niyo ah! 4th Question: Top 15 na kinakatakutan ng isang tao?

Contestant #2: Magmahal!

Con. #3: Mawalan ng pera!

Timothy: Heights!

Umilaw naman ng pula ang sagot ni Contestant #3.

Mondi: Aww. I’m expecting na lahat kayo makakasagot pero sad #3! Bawi na lang next time, okay?

Pagkaalis ng pangatlong contestant, muling nagsalita si Mondi.

Mondi: So kayong dalawa na lang. Hihirapan ko na ang tanong niyo ah. 5th Question: Top 5 na gustong baguhin ng isang tao sa sarili nila?

Nag-isip muna silang dalawa bago sumagot.

Contestant #2: Pass.

Nagulat naman si Timothy sa sagot ng kasama niya kasi siya na agad ang susunod.

Ano nga ba ang dapat niyang isagot?

Kung siya ang tatanungin, ano nga ba ang isasagot niya?

Timothy: Uh…Gustong baguhin ng tao sa sarili niya? Siguro… Ang gustong baguhin ng tao sa sarili niya ay ang takbo ng buhay niya?

Tumingin naman sila sa podium niya. Nagulat si Timothy nang biglang umilaw ang podium niya. Inakala niyang kulay pula ang lalabas pero isang kulay green ang lumabas na nangangahulugang siya ang nanalo..

Color blind na ata siya.

“Sure ka ba?” tanong ni Mondi habang inaalok yung premyo. Kakatapos lang ng event ng org nila at nakatambay sila sa bench na dapat uupuan niya kanina. Inaalok ni Mondi yung premyong pera na napanalunan kanina ni Timothy pero tinatanggihan naman niya ito. Ang dami na nilang napag-usapan pero bumabalik pa rin sa huli sa premyo ang usapan nila.

“Okay na po ako. May pera pa naman po ako eh. Isama niyo na lang sa funds ng org niyo.”

Akala niya hahayaan ng kausap niya yung sinabi niya pero umimik ulit ito.

“So bakit ka sumali kanina?” tanong ni Mondi.

Nanahimik at nag-isip si Timothy sa tanong ng kausap niya.

“Sa totoo lang po, wala lang akong magawa kanina. Iniisip ko na’ just for fun’ lang naman eh. Pero may something dun sa mga questionnaires niyo. Hindi lang siya typical na tanong. Parang sumasampal sa akin kanina na nagpapa-isip sa akin ng kung anu-ano. Hindi ko naman talaga ‘goal’ na makuha yung premyo. Gusto ko lang may gawing bago, at kakaiba. Usually, hindi naman talaga ako mahilig makihalubilo sa ibang tao pero parang may nag-udyok sa akin kanina. Kaya sumali ako.”

Tumango naman ang kausap niya at saka tinabi na ang premyo sa bulsa niya.

“May tanong ako,” sabi ni Timothy. “Araw-araw ba kayong may palaro dyan?”

Ngumiti naman si Mondi at sumagot. “Ay hindi naman, pakulo lang namin yun. May event kasi talaga kami sa-”

“Tay! Tapos na ba kayo?” tawag ng isang pamilyar na boses sa likod nila. Tumingin naman sila at nagulat si Timothy kasi nakita niyang tumatakbo papalapit sa kanila si Jack. Pagkalapit nila, napansin naman ng pinsan niya na kausap ni Mondi.

“Uy pinsan! Andyan ka na pala. Sorry matagal ka bang nag-antay? May klase pa kami eh.”

Tumawa naman si Timothy bago siya sumagot. “Okay lang. Kahit matagal ako dito, hindi pa naman ako nagiging kalbo kagaya mo,” pang-aasar niya.

“Wow salamat ah,” sagot ni Jack sabay tingin kay Mondi. “Magkakilala kayo, tay?”

“Yeah. Kanina lang, kasama siya sa palaro eh.”

“Ha?!”

“Hays. Long story ‘insan. Saka ko na lang ikukuwento,” sagot ni Timothy.

“Fine. Kukunin ko na lang yung bola tapos babalik din ako sa classroom.” Pagkakuha ni Jack ng gamit kay Timothy, nagsalita ulit siya. “Usap na lang tayo mamaya ah. Tay, chat niyo nalang po ako,” paalam niya bago siya umalis ulit.

Pagkaalis ni Jack, nagsalita ulit si Mondi.

“Kaya ka sumali kanina kasi gusto mo lang may magawa kang kakaiba?”

“Opo. Kaya nga nagulat pa ako at ako pa yung nanalo.”

“Wala ka bang pasok?” sabi niya habang tinitingnan ang suot na damit na pang-alis ni Timothy.

“Wala po eh. May maintenance sa school.”

“Anong year mo na ba? Parang wala na kayong masyadong ginagawa ah.”

“Grade 10 po. Gagraduate na po next year,” sagot ni Timothy.

“May plano ka na ba sa college?”

Dahil sa tanong yun, biglang napaisip si Timothy habang pinagmamasdan ang mga taong nagkukwentuhan sa tabi nila.

Saan na nga ba siya pupunta?

Ga-graduate na nga pala siya pero ano nga ba talaga ang plano niya?

Alam na nga ba niya kung saan papunta ang buhay niya?

Anim na taon na lang, magtatrabaho na din siya. Alam niya na ba kung saan niya makikita ang sarili niya?

Ano nga bang kukunin niyang course?

Limang tanong. Lima ang tanong na bumabagabag sa kanya nung narinig niya ang tanong ni Mondi. Ang limang tanong na madalas bumabagabag sa kanya sa bawat segundo ng buhay niya. Ang limang tanong na hindi niya malaman ang sagot kaya madalas niyang hindi pinapansin.

Pero ngayon, ito’y kumakatok ulit sa buhay niya. Hindi lang para antayin ang sagot nito, kundi gawin kung ano ba talaga ang sagot.

Kung kanina, madali niyang nasagot ang lahat ng tanong kahit napaka-random nito. Itong limang tanong kaya, masasagot kaya niya ng tama kahit araw-araw niya itong tinatanong sa sarili niya?

Halata siguro sa mukha niyang hindi niya masagot ang tinanong sa kanya ni Mondi kaya umimik ulit ang lalaki. Akala niya, aasarin siya ng kausap niya pero hindi pala.

“May offer ako sa’yo. Hindi siya pera, hindi isang gameshow na merong pa-premyo pero higit namang mas maganda kaysa sa dalawa. Binibigyan kita ng opportunity. Kung ano man ang mga tanong na nabubuo sa utak mo, makakatulong kami. Hindi lahat masasagot agad pero may panahon naman para sa lahat diba? At least matutulungan ka namin.”

“Anong opportunity ang maibibigay mo sa akin?” tanong ni Timothy.

“May event kasi kami this November 18, sa may SM San Mateo. Anniversary ng Yrock San Mateo, ang org namin, pinamagatang LEGACY MAKER. I can promise you na kapag pumunta ka dun, maiintindihan mo talaga kung bakit siya opportunity. Alam ko malayo ang bahay mo dito, pero sinisigurado ko sa’yo pag nakapunta ka, marerealize mong worth it ito,” sabi ni Mondi.

With Contact-Legacy Maker_San Mateo

“Ano ba yung i-eexpect ko dyan?”

“Uunahan na kita, hindi kami aktibista o scam. To answer your question, have you ever felt that you are always missing something in this life? Feeling mo ba paulit-ulit na ang buhay mo, routinary na lang? Gusto natin ng bago pero ayaw naman natin ng pagbabago. I offer you a change. ‘Pag pumunta ka sa event namin, mas maiintindihan mo na each of us has given an extraordinary life. Mare-realize mo na kaya pala paulit-ulit yung buhay mo kasi hindi mo pala nagagawa yung purpose mo. Hindi mo alam ang purpose mo kaya hindi mo na din alam kung saan ka pupunta. Hindi mo na alam ang pupuntahan mo kaya hanggang ngayon nandyan ka pa din sa pwesto mo, unable to move,” sabi ni Mondi.

“Papaano mo naman na conclude yan? Ngayon lang tayo nagkita ah,” depensa ni Timothy.

Ngumiti si Mondi bago siya sumagot. “Hindi ito conclusion. Kapag conclusion kasi, tapos na, nakapag-conclude na. This is more like, inauguration. Meaning, ito ang simula. Lahat naman ng tao dadating sa panahong mare-realize nila ito. Yun nga lang, kadalasan huli na sila. I have given you the chance or opportunity to make a choice, to make a stand. Choice mo ito pero I highly encourage you to para masagot na ang mga matagal na tanong sa buhay mo.”

Maya-maya pa’y nagpaalam na si Mondi kasi may gagawin pa daw siya. Naiwan na nag-iisip si Timothy sa pwesto hanggang sa makarating ulit si Jack.

“Tara na ba?” tanong ni Jack habang dala-dala niya ang mga gamit niya.

O ang tanong talaga, ‘Sasama nga ba siya?’

November 18

The moment na makita niya sina Mondi sa venue ng YROCK, natawa siya. Hindi pa man siya nakakapasok sa loob, nakakasigurado siyang masisimulan na niyang masagot ang mga tanong sa buhay niya. Sa wakas, may mapupuntahan na ang buhay niya.

Kung may hinahanap kayo sa buhay, kung may gusto kayong hanapin na sagot sa mga tanong ng buhay, kung feeling niyo hindi niyo na alam kung saan kayo pupunta, o kung wala kayong gagawin, I suggest to grab this opportunity.

Kung si Timothy nga, makukuha niya na ang sagot na hinahanap niya, kayo pa kaya?

Binibigyan kita ng opportunity, ika nga ni Mondi.

That’s understatement, don’t you think?

-END

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s